Mommy tip ni Camille kay Angelica kapag isinilang na ang 1st baby: Matulog siya ng marami, iba ang puyat ng isang nanay | Bandera

Mommy tip ni Camille kay Angelica kapag isinilang na ang 1st baby: Matulog siya ng marami, iba ang puyat ng isang nanay

Ervin Santiago - September 11, 2022 - 08:27 AM

Mommy tip ni Camille kay Angelica kapag isinilang na ang 1st baby: Matulog siya ng marami, iba ang puyat ng isang nanay

Angelica Panganiban at Camille Prats

KUNG may isang payo na maibibigay si Camille Prats para sa kaibigang si Angelica Panganiban pagdating sa pagiging first time mom, yan ay walang iba kundi ang “matulog ng marami.”

Tatlo na ang anak ngayon ng Kapuso TV host-actress kaya siguradong marami siyang maibibigay na “nanay tips” kay Angelica kapag isinilang na ang panganay nitong anak.

Ang unang anak ni Camille ay mula sa kanyang late husband na si Anthony Linsangan, habang ang sumunod na dalawa ay anak nila ng asawang si VJ Yambao.

Malapit na ring isilang ni Angelica ang baby girl nila ng non-showbiz partner na si Gregg Homan at naniniwala si Camille na kering-keri na ng kanyang kaibigan ang pagiging mommy.

Ngunit kung may isang practical advice ang aktres kay Angelica kapag nandiyan ang kanyang newborn, yan ay ang matulog nang sapat hanggang may pagkakataon.

“You know what, Angel is really full of wisdom. If you talk to her based on her experiences, ang sarap-sarap niyang kausap. Kasi ang dami-dami niya nang natutunan sa buhay, and she’s always very, very happy to share them.

“So kung meron man akong tip na nabigay sa kanya is matulog siya nang marami. 

“Tapos sabi niya, hindi raw siya concerned doon kasi forever naman daw siyang puyat. Sabi ko sa kanya, ‘Sis, iba ang puyat ng isang nanay,’” pahayag ni Camille.

Dugtong pa niyang chika, “Kasi sinasabi nila na when the baby is sleeping, matulog ka rin. It’s not easy to fall asleep.

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


“And when the time comes na you’ll try to fall asleep, biglang magigising siya. So parang, siguro mga tatlong buwan kang ganu’n. 

“You’re like in a dreamy phase na you’re like half-awake, half-asleep. So ‘yun siguro ‘yung tip na maibibigay ko sa kanya. We’ll find out once the baby is out,” mariin pang pahayag ng Kapuso star.

Kamakailan, naglabas ng vlog si Camille sa YouTube kung saan nakasama nga niya si Angelica na may titulong, “Cam Cook With Me”.

Dito, napag-usapan nila ang mga kaganapan noong mga bata pa sila at ang mga naging karanasan nila bilang child star hanggang sa magdalaga na sila sa mundo ng showbiz.

“I was very fortunate to have her as my very girst guest on my vlog. I was so happy when she said yes. And sobra rin akong happy to be able to catch up with her during this time of her life,” sabi ni Camille.

Sey naman ni Angelica, isa si Camille sa ilang celebrities na itinuturing niyang totoo at sincere na kaibigan sa showbiz.

https://bandera.inquirer.net/305863/dj-mo-tinamaan-din-ng-covid-19-humingi-ng-tulong-sa-netizens-kimxi-super-pakilig-sa-v-day

https://bandera.inquirer.net/297870/diego-mas-naging-malapit-uli-kay-cesar-nang-dahil-sa-covid-balak-humingi-sa-ama-ng-acting-tips

https://bandera.inquirer.net/321389/angelica-panganiban-camille-prats-binalikan-ang-traumatic-experience-noong-teenagers-pa-sa-showbiz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/323320/camille-wish-makasama-uli-sa-movie-si-angelica-sa-edad-namin-ngayon-ano-kayang-feeling-na-magkatrabaho-uli-kami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending