Carlo Aquino, Trina Candaza magkasamang nag-celebrate ng birthday ni Mithi

Carlo Aquino, Trina Candaza magkasamang nag-celebrate ng birthday ni Mithi
SPOTTED ang dating magkarelasyon na sina Carlo Aquino st Trina Candaza na magkasamang ipinagdiwang ang 2nd birthday ng kanilang anak na si Enola Mithi.

Base sa mga larawan sa Instagram post ng event organizer ng Frozen-themed birthday ni Mithi, makikitang hands-on ang dalawa para sa anak.

Lumabas rin sa iba’t ibang Instagram account ng mga bisita ang ilan sa mga video na kuha mula sa birthday party ng anak nina Carlo at Trina.

Maging ang founder ng NicePrint photography na si Charisse Tinio ay nagbahagi ng mga larawan kasama ang birthday celebrant at ang mga magulang nito.

Hindi rin naman nakalimutan ni Carlo na mag-post sa kanyang IG account ng kanilang moments ng kanyang unica hija noong birthday party nito.

“Have I told you yet today how much I love you?” saad ng aktor.

Sa isa pang post ni Carlo, “Pulled me tight and close your eyes. Oh, my love, side to side.”

Nag-post rin si Trina ng mga larawan na kuha sa birthday party at nagpasalamat sa lahat ng mga naging parte ng celebration ng kanilang anak.

Matatandaang January nitong taon nang unang lumabas ang balitang naghiwalay na sina Carlo at Trina.

Kasunod rin nito ang ilang mga cryptic posts ng vlogger at social media influencer patungkol sa kanilang relasyon.

At nitong Abril ay kinumpirma na nga ni Carlo na tuluyan na silang naghiwalay ngunit nananatiling maayos ang kanilang relasyon para sa kanilang anak.

Nang natanong naman si Trina noon patungkol sa posibilidad kung magkabalikan pa silang muli ng aktor ay sinabi niyang mahirap na para sa kanila ang magkabalikan.

“Mahirap na po magkabalikan lalo na kung yung mga taong nakapaligid support sa pagiging single ng tao na para bang walang batang nawalan ng buong pamilya,” sey ni Trina.

Related Chika:
Carlo Aquino, Trina Candaza hiwalay na nga ba?

Trina Candaza sa mga umaasang may part 2 pa ang love story nila ni Carlo Aquino: Mahirap na pong magbalikan

Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak

Trina Candaza may pasaring sa mga lalaking nag-iisip ng ibang babae

Read more...