Heart Evangelista lilipat na nga ba sa Paris?

Heart Evangelista lilipat na nga ba sa Paris?
PATULOY pa rin ang buhay para sa actress-vlogger na si Heart Evangelista sa kabila ng patuloy na bulung-bulungan ng madlang pipol patungkol sa marital problem na pinagdaraanan nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.

Abala ang aktres ngayon sa kanyang career at siya nga ang napiling cover ng magazine na L’Officiel para sa September cover ng kanilang magazine.

Nag-open up rin si Heart sa kanyang plano na magpagawa ng sarili niyang tahanan sa Paris, France.

“In this exclusive interview with L’Officiel, read about how she’s taking everything in — from the highs and the lows — as she makes one crucial step after another to finally build the home she had always dreamed of in Paris,” base sa caption ng post ng fashion magazine sa Instagram na ni-repost ng aktres.

Marami tuloy sa mga netizens ang mas na-curious kung may katotohanan nga ba talaga ang kumakalat na chikang hiwalay na si Heart sa asawa nitong si Sen. Chiz Escudero.

Matatandaang nitong mga nagdaang linggo ay laman ng bulung-bulungan ng mga netizens kung ano nga ba talaga ang nagaganap sa pagitan ng mag-asawa.

May mga kumalat na kasing chika na hiwalay na raw ang dalawa na mas umugong nang mapansin ng mga netizens na tinanggal na ni Heart ang “Escudero” sa kanyang Instagram handle.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens patungkol rito dahil sa kabila ng pagtanggal ng kanyang apelyido ay nananatili naman ang “wife” bilang isa sa mga nakasulat sa kanyang bio.

Ngunit nitong nakaraang linggo ay inamin na rin ni Heart na may personal siyang pinagdaraanan sa buhay kaya hindi soya masyadong nakakapag-vlog.

Bagamat wala naman siyang direktang sinabi kung ito ay may kaugnayan sa kumakalat na tsismis patungkol sa diumano’y paghihiwalay nila ng asawa ngunit dahil sa kanyang vlog ay marami ang naniniwala na baka totoo ito.

Nagsalita na rin ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco at nilinaw na wala siyang alam kung ano man ang nangyayari sa mag-asawa.

Sa kabila nito ay naniniwala siya na magiging maayos ang lahat sa pagitan ng mag-asawa.

“It’s their private life so I am just praying for them. I know they will be OK!” sey ng ina ni Heart.

2015 namg ikasal sina Heart at Sen. Chiz sa Balesin.

Related Chika:
Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?

Heart Evangelista may pinagdaraanan, pinipilit maging positibo: I’m really in search of just being happy

Cecile Ongpauco nagsalita na sa chikang hiwalayan nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero

Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya

Read more...