Mariel Padilla pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV: The easiest decision I have ever made

Mariel Padilla pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV: The easiest decision I have ever made

BALIK-TV na ang TV host/content creator na si Mariel Padilla sa ALLTV kung saan pumirma siya nitong Huwebes kasama ang manager niyang si Boy Abunda.

Pinost ni Mariel ang larawang pumirma siya kasama si Kuya Boy at ang AMBS owners na sina ex-Senator Manny Villar at anak nitong si Las Pinas City Representative Camille Villar – Genuino at executives nito.

Ang caption ay, “the easiest decision I have ever made. I knew right away I wanted to be part of AllTV. Extremely grateful!!!! Thank you soo much AMBS for the trust. @camillevillarofficial @mannyvillar THANK YOU! To my manager of almost 20 years Tito Boy maraming naraming salamat! To my husband, children and my whole family who have given me their blessings… thank you! So excited for the infinite possibilities we can do together!”

Taong 2016 nang huling mapanood si Mariel bilang main host ng “Pinoy Big Brother Lucky 7” at 2018 naman sa “It’s Showtime”.

Kinailangang tutukan ng wifey ni Senator Robin Padilla ang paglaki ng kanilang mga anak kaya nag-indefinite leave siya sa kanyang hosting job.

Pero hindi dito nagtapos ang pagiging host ni Mariel dahil gumawa siya ng sariling YouTube channel na may 1.3M subscribers kasama na rito ang Cooking Ina.

Pagkatapos i-post ni Mariel ang mga larawan ay nagpadala kami ng mensahe through Instagram kung makakasama niya si Toni Gonzaga sa show base sa nakitang larawang magkakasama silang tatlo nina Karla Estrada na naging viral.

“Nope, iba ‘yung kay Toni, may sarili siya, “sagot ni Mrs. Padilla.

Sakto naman na napakinggan naming ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa Cristy Ferminute radio program nila ni Romel Chika sa 92.3 NewsFM na may sariling talk show nga at ang titulo ay Toni.

Ang siniguro sa amin ni Mariel ay bibigyan siya ng magazine talk show na biniro pa namin kung mala-The Buzz ba ito.

“Hindi the Buzz, he, he, he. Inaayos palang,” sagot nito.

Wala pang ideya kung per show o ilang taon ang pinirmahan ni Mariel sa ALLTV.

“Hindi ko pa alam kay tito Boy pag nabasa na niya at okay sa kanya, okay din sa akin. 20 years old na kami ni tito Boy, mula noon hanggang ngayon ganu’n pa rin kami,” pahayag ng mama nina Isabella at Gabriela.

Nabanggit na sa amin kung sino ang makakasama ni Mariel pero hindi pa puwedeng isulat hangga’t hindi pa ito pumipirma ng kontrata at kung anong timeslot ng talk show.

Sa tanong namin kung araw-araw siyang mapapanood sa ALLTV ay paano na ang kanyang live selling at iba pang negosyong inaasikaso niya, pero hindi niya kami nasagot pa hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.

Related Chika:
Willie sa pagbubukas ng ALLTV: Magugulat kayo kung sinu-sino ang aming mga makakasama…at bukas kami para sa lahat!

Mariel Padilla masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

Mariel isang buwang sinara ang steak business para kay Robin

Ka Tunying pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV ni Manny Villar; ngayon lang nakaranas ng ‘signing ceremony’

Read more...