Ruru Madrid matindi rin ang pinagdaanang hirap sa buhay; hindi man lang makabili noon kahit french fries
KINANDADO ang inuupahang bahay. Walang makain at matulugan. Hindi makabili kahit regular french fries.
Ilan lamang iyan sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay ng tinaguriang Action-Drama Prince at “Lolong” lead star na si Ruru Madrid.
Matindi rin ang pinagdaanang hirap ng Kapuso hunk sa buhay pati na ng kanyang pamilya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan.
Ayon sa binata, laman din daw siya ng mga auditions noon dahil gustung-gusto talaga niya ang mag-artista. Pero karamihan sa mga napupuntahan niya ay puro rejection.
Sa interview ni Toni Gonzaga kay Ruru para sa YouTube channel ng TV host, naikuwento nga ng aktor ang mga challenges na hinarap niya noong nagsisimula pa lamang siyang tuparin ang kanyang pangarap.
View this post on Instagram
“Noong nag-start ako Miss Toni, siyempre auditions, naalala ko nun nakatira kami sa Marikina tapos karamihan ng mga VTR ay sa Makati ‘yan tapos wala kaming sasakyan, wala kaming motorsiklo.
“Ang gagawin ng dad ko, manghihiram siya ng motor sa driver ng kapatid niya gagamitin namin ‘yun tapos hihiram kami ng helmet.
“Tapos bibili kami sa tiangge ng mga damit basta ‘yung mga turo-turo na polo at pantalon para at least pagdating doon nakaayos ako,” chika ni Ruru.
“Naalala ko nga noon may time na kasama ko ‘yung dad ko, gutom na gutom ako, naka-motor din kami papunta rin kami nito sa audition.
“Then may nakita akong drive through sabi ko, ‘Gusto ko ng french fries,’ then tsinek niya ‘yung wallet niya, pag-check niya ng wallet niya hindi aabot ‘yung pera niya pambili ng fries,” pag-alala ng hunk actor.
At dahil nga sa mga karanasang ito, “Naalala ko sabi ko sa dad ko noon, sabi ko, ‘Da, hindi na mauulit ‘to. Promise ko sa ‘yo hindi na mauulit ‘to.’
“Hindi ko hahayaan na kapag may gusto tayong bilhin na hindi natin kakayaning bilhin kahit sobrang simple lang, kahit sobrang mura lang, hindi na mauulit ‘to.
“Sinigurado ko ‘yun sa sarili ko, I pray every single night, pinagpapanata ko ‘yun na talagang gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang mabili ko ‘yung gusto ng pamilya ko,” lahad pa ni Ruru.
Kuwento pa niya tungkol sa kanyang tatay, “Dad ko, naging anak niya ako when he was 21, wala siyang maayos na work, nu’ng time niya, ang trabaho lang niya is mag-model, pero kapag may kinikita siya okay may mabibili.
“Naalala ko Miss Toni, as in nakita ko na kinakandaduhan kami ng bahay, iniiwan ‘yung mga gamit namin, hindi namin alam kung saan kami matutulog.
“So ngayon na nandito ako sa ganitong posisyon na ako ‘yung breadwinner ng pamilya ko, hindi ko na hahayaan na umabot ulit kami sa point na ganu’n. Hindi ko na kayang makita ‘yung pamilya ko na nahihirapan or ‘yung parents ko na nahihirapan,” pag-amin pa ng aktor.
Pagpapatuloy pa niya, “So I’m just proud sa lahat ng pinagdaanan namin at nalampasan namin. Hindi ko masasabi na proud lang ako sa sarili ko kasi tinulungan ako ng pamilya ko sila ‘yung naging gasolina ko e para makayanan ko ang mga pagsubok na ‘to.”
Nakilala si Ruru nang sumali siya sa reality talent search ng GMA na “Protégé” hanggang makuha at ipagkatiwala sa kanya ang iconic role ni Dingdong Dantes sa remake ng “Encantadia” (2016) bilang si Ybrahim.
At ngayon nga ay umaani ng papuri si Ruru sa action-drama series na “Lolong.” Kasali rin siya sa bagong reality show ng GMA na “Running Man Philippines.”
https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa
https://bandera.inquirer.net/303651/ruru-bilib-na-bilib-kay-kylie-walang-arte-walang-reklamo-i-will-always-care-for-you
https://bandera.inquirer.net/317221/ruru-madrid-umaming-lumaki-ang-ulo-nang-bumida-sa-encantadia-everyone-was-saying-youre-gonna-be-the-next-dingdong-dantes
https://bandera.inquirer.net/316466/ruru-madrid-emosyonal-sa-presscon-ng-lolong-muntik-nang-sumuko-napilay-ako-napako-lahat-po-pinagdaanan-namin-dito
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.