Janelle Tee dumaranas ng mental health problem; tuluyan na nga bang iiwan ang showbiz?
SA gitna ng paghataw ng kanyang career, biglang nag-announce ang beauty queen-turned actress na si Janelle Tee na mananahimik muna siya sa social media.
May matinding pinagdaraanan ngayon ang dalaga na isa raw sa mga dahilan kung bakit kailangan niyang “magpaalam” sa kanyang fans at socmed followers.
Marami ngang nagtaka sa rebelasyon na ito ni Janelle dahil ang saya-saya pa niya sa virtual mediacon ng bago niyang movie sa Vivamax, ang “An/Na noong September 1.
“My heart is full. I am beyond grateful. Your overflowing love and support for my upcoming films is just WOW. I’m speechless. Maraming-maraming salamat,” ang pahayag ni Janelle sa kanyang social media post.
Pagpapatuloy pa ni Janelle, “I’ve always been hustling so much but I never thought it would eventually hit hard and take a toll on me.
“I’ve been grappling quite a lot with my mental health lately. That I felt, I really need this break. Alone. To figure everything out.
“I’ve thought long enough…I really don’t know when I’ll be back but I’ll take a pause for now,” pagtatapat pa ni Janelle.
Totoo kaya na may konek ang mental health issues ng aktres sa kanyang pagpapaseksi na hanggang ngayon ay hindi raw matanggap ng kanyang pamilya. Totoo rin kaya na iiwan din ng dalaga pansamantala ang showbiz?
Chika ni Janelle sa isang panayam, “Very conservative ang aking pamilya. Mga probinsyana kami, payak ang pamumuhay. Sa ngayon, hindi pa nila gaanong maintindihan ang larangan na pinasok ko. I hope and pray someday na maunawaan po nila.”
* * *
Dahil sa problema sa pera, may mga taong nakagagawa ng taliwas sa kanilang karakter para masolusyonan ito. Pero minsan ito ay panandaliang ginhawa lamang at may panibagong pagdurusang pagdadaanan.
Ganito ang kwento ni Anna Clemente na pinagbibidahan ni Janelle sa four-part Vivamax original series na “An/Na”, mula sa direksyon at panulat ni Jose Javier Reyes at mapapanood na simula sa September 25.
Si Anna ay isang simpleng empleyado kung saan iba’t ibang produkto ang binibenta, hind nga lang sapat ang kinikita nito. Tumutulong siya sa pamilya ngunit hindi nakababayad ng tama sa kanyang upa.
Mapipilitan siyang maghanap ng “easy money” at ito ay ang pagpasok sa prostitusyon. Dito, ang pangalan niya ay Mei Ling.
Sa pagsiping niya sa iba’t ibang lalaki, paano nila maapektuhan ang buhay ni Anna? May patutunguhan pa kaya ang relasyon niya sa kanyang long distance boyfriend na si Guido? Ito ay ginagampanan ni Greg Hawkins.
Si Migs Almendras ay gumaganap na si Jason, ang nagpasok kay Anna sa agency. Matagal na rin itong sex worker. Si Guji Lorenzana ay si Benedict, pamilyado ngunit kliyente ni Anna.
Si Fabio Ide ay si Virgil, ang boss ni Guido na magiging kliyente rin ni Anna. Siya na ba ang magsisiwalat ng sikreto ni Anna? Si Rolando Inocencio ay si Atendido, isang imbestigador na maraming matutuklasan.
Samantala, si Rob Guinto ay gumaganap bilang si Eunice, ang best friend ni Anna. Dahil siya mismo ay liberated na tao, mauunawaan niya ba si Anna o magiging mapanghusga ito?
https://bandera.inquirer.net/319604/janelle-tee-hiyang-hiya-kay-joey-reyes-tapos-napansin-niya-mahilig-akong-lumafang-kaya-pinapakain-niya-ako-nang-husto
https://bandera.inquirer.net/315298/janelle-tee-inatake-ng-matinding-hiya-kay-joey-reyes-intimidating-siyempre-kasi-baguhan-lang-akong-artista
https://bandera.inquirer.net/318207/herlene-budol-ipinakilala-ang-pinakamalapit-na-kandidata-sa-bb-pilipinas-2022
https://bandera.inquirer.net/313280/janelle-tee-bet-maging-best-actress-game-na-game-sa-matitinding-eksena
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.