Sunshine Cruz sa muling pagkikita nila ni Cesar Montano: God’s perfect timing!

Sunshine Cruz sa muling pagkikita nila ni Cesar Montano: God's perfect timing!

HALOS isang dekada na ang nakalilipas buhat nang nabuong muli ang pamilya ng aktres na si Sunshine Cruz at ex-husband na si Cesar Montano.

Nangyari nga ang naturang reunion ng dating mag-asawa kasama ang tatlo nilang anak sa 18th birthday celebration ni Sam Cruz.

Nitong Miyerkules, Agosto 31, nag-post si Sunshine ng dalawang version ng kanilang family picture.

Ang isa ay kuha noong birthday ni Sam at ang isa naman ay kuha noong Marso 2013.

“Who would’ve thought that after almost 10 years mabubuo ulit in one frame! In God’s perfect time talaga,” saad ni Sunshine.

Aniya, sa kabila ng mga pinagdaanan nila noon ng dating asawa ay hindi naman ito dahilan para kalimutan ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang mga anak.

“Kahit ano pa ang nangyari noon, one thing na hindi mawawala ay ang pagiging magulang namin sa mga bata. The girls are genuinely happy to have their dad back in their lives,” pagbabahagi pa ni Sunshine.

Nagpasalamat rin ang aktres sa bagong partner ni Cesae na si Kath Angeles dahil sa pagiging mabuti nito sa kanyang mga anak.

“Thank you Kath for being a wonderful Tita to my girls, I/we appreciate you! My girls love your kids so much,” set ni Sunshine.

Nagbigay rin siya ng mensahe sa kanyang boyfriend na si Macky Mathay dahil sa pagtanggap nito sa kanya at sa tatlong mga anak.

Bukod rito, nagpasalamat rin si Sunshine sa lahat ng mga taong patuloy na nagpapadala ng magaganda at positibong mensahe sa kanya.

Mukha naman napatawad na ng aktres ang dating asawa dahil makikita ang isang quote sa dulo ng kanyang post na may kinalaman sa pagpapatawad.

“When you forgive, you in no way change the past but you sure do change the future,” nakasaad sa dulo ng post ni Sunshine.

Makikita naman nag-comment sina Teresa Loyzaga at Karla Estrada sa post ng aktres.

“Amen sis @sunshinecruz718 ! GOD is good. Much respect and more Blessings to all of you! I said this before and I’ll say it again, You are one great mom! See you soon!” comment ni Teresa, ina ni Diego Loyzaga na anak rin ni Cesar.

Sabi naman ni Karla, “Walang pamilya ang nasisira. Nag hihiwalay lang at mag kaka balikan ding muli. Basta para aa mga anak kaya nating harapin lahat bilang mga magulang. cheers shine! Para sa mga matibay na nanay na tulad mo.”

Taong 2013 nang tuluyang maghiwala sina Sunshine at Cesar at 2018 naman ng ma-annul ang kanilang kasal.

Bukod kay Sam, may dalawa pa silang anak na sina Angelina at Chesca.

Related Chika:
Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing

Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

Sunshine Cruz sa mga nababagabag sa kanyang pananamit: Kindly unfollow for your peace of mind

Read more...