Matteo Guidicelli sumabak sa PSG training program para sa First Family

Matteo Guidicelli sumabak sa PSG training program para sa First Family
SUMABAK ang TV host-actor at military reservist na si Matteo Guidicelli sa Presidential Security Group (PSG) training program na nagbibigay proteksyon sa presidente ng bansa maging sa buong pamilya nito.

Isa ang asawa ni Sarah Geronimo sa Class 129 ng Very Important Person Protection Course (VIPPC) ng PSG.

Nagsimula ang training nila Matteo noong Agosto 25 sa Malacañang Park sa Manila base na rin sa inilabas na ulat ng Philippine News Agency.

Makikita rin ang mga larawan ng aktor habang nasa training sa official Facebook page ng Presidential Security Group.

Sa katunayan, ibinahagi ni Matteo ang ilang mga larawan niya sa Instagram stories.

“Ready for class,” saad niya kalakip ang larawan niya kasama ang dalawang kasamahan.

Ang naturang VIPPC training ni Matteo ay inilalarawan bilang “highly-specialized professional service course that is offered to the PSG troopers who are dedicated to ensure a 360-degree protection of the President, his immediate family, as well as visiting heads of state or government.”

Ilan pa sa mga bagay na pinag-aaralan sa naturang training ay marksmanship, close-in security, security task action group, combat, physical fitness, and field training exercises.

Base rin sa report na ibinahagi ng Philippine News Agency, si Matteo nga ang kauna-unahang celebrity na naging bahagi ng VIPPC.

“It is the first in PSG’s VIPPC history that a celebrity reservist will join this specialized training,” sey nito.

Related Chika:
Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin

Matteo Guidicelli lilipat na sa GMA, magiging host ng ‘Unang Hirit’

Matteo Guidicelli inaming biruan lang ang viral ‘serious talk’ nila ni Alex Gonzaga

Read more...