Andrea Brillantes sa pagiging pinakabatang celebrity CEO: Dream ko talaga ang magka-business

Andrea Brillantes sa pagiging pinakabatang celebrity CEO: Dream ko talaga ang magka-business
NAPAHANGA kami ni Anndrew Blythe Daguio Gorostiza o mas kilala bilang si Andrea Brillantes sa showbiz dahil sa murang edad ay siya na ang Chief Executive Officer o CEO ng kanyang trading business.

Pinost niya sa kanyang Facebook account ang larawan niya kasama ang mga katuwang niya sa kumpanya.

Ang caption ng aktres turned entrepreneurship ay, “5 years old pa lang ako alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay ko, ang mag artista.

“Pero maraming hindi nakakaalam na dream ko talaga ang magka-business for my family.

“This business that I am launching this November has been in development for so long and I am so happy that I can finally share it with you all very soon.

“I am so thankful that I have the right team with me in my corporation. Please follow my journey as a first time CEO and business owner.

“Lubos akong nagpapasalamat sa suporta ninyong lahat. I am so blessed and grateful for all of you. Mahal na mahal ko kayo,” sey ni Andrea.

Survivor at achiever talaga ang aktres dahil naikuwento naman niya sa kanyang panayam noon kay Karen Davila sa YouTube channel nito kung anong hirap ang dinanas nilang pamilya na kailangan niyang isakripisyo ang mga pangangailangang pansarili para ibigay sa mga kapatid.

Sa murang edad ay breadwinner na si Andrea kaya pinagbuti niya ang trabaho niya nang makapasok siya sa showbiz at naging maganda rin ang tandem nila ng mommy niya dahil magaling humawak sa kita ng anak.

Sa edad na 17 ay naipatayo na niya ang pangarap na bahay para sa pamilya na isang Mediterranean style at bayad na ito.

At ngayon edad 19 ay heto at isa na siyang CEO sa trading business niya na eventually ay gusto rin niyang madagdagan pa.

Nabasa namin ito sa kanyang FB page na tinag si Andrea,

“At the age of 17, Andrea Brillantes was able to build a house for her family.

“At the age of 19, she is building her own EMPIRE.

“Andrea Brillantes will be the Youngest Celebrity CEO in the Philippines.

“Proud is an understatement.”

Komento naman ng netizen na si Venuz Serafico, “Her mom was able to manage her well, credits to her mom also who supported her all through out.”

Hindi na namin iisa-isahin ang lahat ng komento dahil abot na ito sa ilang libo.

Ang pinaka-bottom line ay kahit sinasabing pasaway si Andrea ay may ginagawa pala ito na hindi niya ipinagyayabang.

Related Chika:
Andrea Brillantes umalma sa ‘fake news’, binalak magdemanda pero piniling magpatawad

Andrea Brillantes deadma sa bashers: UAAP ang ang nasa utak ko the whole time!

Andrea Brillantes sinusubukang hikayatin si Ricci Rivero para maging ‘Kakampink’

Read more...