Darren Espanto, Cassy Legaspi nagpasabog ng kilig sa socmed, sigaw ng mga fans: Parang sila na talaga! | Bandera

Darren Espanto, Cassy Legaspi nagpasabog ng kilig sa socmed, sigaw ng mga fans: Parang sila na talaga!

Ervin Santiago |August 30,2022
facebook
share this

Darren Espanto, Cassy Legaspi nagpasabog ng kilig sa socmed, sigaw ng mga fans: Parang sila na talaga!

Ervin Santiago - August 30, 2022 - 11:52 AM

Darren Espanto at Cassy Legaspi magdyowa na nga ba?

Darren Espanto at Cassy Legaspi

MAS maraming fans ang naniniwala na may “something” na sa pagitan nina Darren Espanto at Cassy Legaspi at hindi lang basta mag-BFF lang.

Base sa mga bagong post ng award-winning singer and performer sa kanyang social media account kung saan kasama niya si Cassy, ramdam na ramdam daw ng netizens na magdyowa na raw ang mga ito.

Viral at trending pa rin ang mga paandar na litrato nina Darren at Cassy na kuha sa pagbabakasyon nila kamakailan sa Nasugbu, Batangas.

Partikular na pinag-usapan ng kani-kanilang mga tagasuporta ang solo photo ng Kapamilya artists kung saan makikita sa repleksiyon ng kanyang suot na sunglasses si Cassy.

“Throwin’ out the shade for a little bit of sunshine,” ang caption ng binata sa kanyang IG post.

View this post on Instagram

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)


Sa Instagram account naman ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, makikita ang isa ring litrato kung saan kita rin siya sa repleksiyon mula sa suot na sunglasses ng lalaking kasama niya.

May maikli itong caption na, “In the moment.”

Hindi pinangalanan ng Kapuso actress at TV host ang nasabing guy pero sa itsura nito, ang nagkakaisang hula ng netizens, siya ay walang iba kundi si Darren.

Kamakailan ay napanood namin ang panayam ng “Magandang Buhay,” kay Darren at dito nga niya nilinaw ang tungkol sa real score sa pagitan nila ni Cassy.

Paliwanag ng binata, “Kami po ni Cassy, we are very close. Best friends po kami so lahat talaga alam namin tungkol sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At pati ang families namin ay parang sanay na parati kaming magkasama or lumalabas. Pero we aren’t taking anything serious din naman na masyado,” chika ni Darren.

Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Darren Espanto binisita si Cassy noong Halloween

Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!

Award-winning actress lilipat na rin sa GMA, naghihintay na ang mga bonggang project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending