Gina kay Alden: Mas reserved siya before, ngayon parang bata at kiti-kiti…nakukulitan ako sa kanya in a good way
WALANG masamang salita o kanegahan na masasabi ang award-winning actress-director na si Gina Alajar kina Bea Alonzo at Alden Richards.
Talagang puro papuri ang ibinigay ng premyadong aktres sa mga bida ng upcoming romantic-drama series ng GMA, ang adaptation ng hit Korean series na “Start-Up PH.”
Gagampanan ni Gina sa nasabing serye ang karakter ni Mrs. Choi, na magiging close kay Good Boy played by Alden. Sa Korean version, si Good Boy ay si Han Ji Pyeong.
“First time kong makatrabaho si Bea, first time ko rin siya ma-meet. I was surprised kasi napakabait na bata, ang ganda ng pagkapalaki ng magulang niya,” sabi ni Gina patungkol sa bagong leading lady ni Alden.
Dagdag pa niya, “Ang galing niya mag-memorize. Bigyan mo siya ng mahabang linya, pagdating niya sa set, alam niya ‘yung mga linya niya. She comes to the set prepared. She comes to the set early.”
Ilang beses nang nakatrabaho ni Gina si Alden at hanggang ngayon ay bilib na bilib pa rin siya sa galing nito bilang aktor, idagdag pa ang pagiging professional nito sa trabaho.
View this post on Instagram
Pero pambubuking ng veteran actress sa Asia’s Multimedia star, “Mas reserved siya before, pero ngayon, parang bata na he jokes with everyone, parang kiti-kiti na kung sinu-sino ‘yung kinakausap. Nakukulitan ako sa kanya, kulit in a good way.
“Paglabas niya ng dressing room niya he’s prepared to work and lagi siyang on the go. Para bang maganda lagi ang gising niya sa umaga. Parang nakalimang espresso bago lumabas ng tent,” pahayag pa ni Gina.
Makakasama rin sa “Start-Up PH” sina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Kim Domingo, Jackielou Blanco, Gabby Eigenmann at marami pang iba. Mapapanood na ito ngayong Setyembre.
https://bandera.inquirer.net/319850/alden-na-challenge-sa-pagganap-bilang-good-boy-sa-start-up-ph-nakaka-enjoy-din-pala-maging-masungit
https://bandera.inquirer.net/319907/ogie-diaz-nilinaw-na-hindi-naghihirap-si-gina-pareno-mali-yung-intindi-nila-sa-interview
https://bandera.inquirer.net/319077/gina-pareo-nakiusap-na-bigyan-uli-siya-ng-trabaho-baka-kasi-mauwi-na-ako-sa-mental-nito
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.