Seth Fedelin ayaw iwan ang bahay sa Cavite kahit keribels nang bumili ng bagong house & lot…bakit kaya?
KAHIT malaki na ang kinikita sa pag-aartista at pagiging product endorser, hindi pa rin iniiwan ni Seth Fedelin ang kanilang bahay kung saan siya ipinanganak at lumaki.
Kung tutuusin ay kayang-kaya nang bumili ng bagong bahay ang Kapamilya young actor pero mas pinili pa rin niya ang manatili sa kanilang bahay kasama ang buong pamilya.
Ibinahagi ng young actor ang ilan sa mga dahilan kung bakit nananatili pa rin siya at ang kanyang pamilya sa lumang bahay nila sa Cavite sa latest YouTube vlog ni Ogie Diaz.
Sabi ni Seth, bukod sa naroon ang kanyang pamilya at mga kaibigan, nandoon na raw kasi ang lahat ng kailangan niya.
“Home is family, happiness and everything. Lahat nandu’n. ‘Yung bahay namin, du’n ako ipinanganak. ‘Yung kwarto ko ngayon, du’n ako pinanganak,” simulang paliwanag ni Seth.
View this post on Instagram
Bukod dito, may sentimental value rin sa kanya ang nasabing bahay, “As in ‘yung bahay na ‘yun napaka-special sa akin. Wala pa ako, ‘yung bahay na ‘yun, bahay na.”
Kuwento pa ng binata, naranasan na rin niyang tumira sa isang condo sa Quezon City at dalawang beses lang sa isang buwan siya nakakauwi sa bahay nila sa Cavite noong panahong iyon.
“Kasi nu’ng nagsisimula po ako, tumira ako ng Don Antonio (Quezon City) sa may Ever. And umuuwi lang ako sa bahay sa Cavite parang twice a month.
“So, parang hindi ko nakumusta sila mama. Hindi ko sila masyado nakakausap. And September ng 2019, tumawag si Ermat. Sabi niya, ‘Anak uwi ka rito. ‘Yung lolo mo mukhang mamamaalam na,’” paliwanag ni Seth.
Dagdag pa ng binata, “Umuwi ako nu’n. Umuwi ako ng Dasma nu’n. ‘Yun na-realize ko na parang ‘ito na lang ba ‘yung gagawin ko? ‘Pag merong ganyan at saka ako pupunta? At saka ako maaalalang pumunta?’”
Taong 2020 nang bumalik siya sa Cavite at iwan ang kanyang condo, “So, nagsimula na ‘yung pandemic. Sabi ko talaga kay Mama, ‘Ma, bitawan ko ‘yung condo.’ Bumalik po ako nu’ng Cavite. Tapos pagbalik ko ng Cavite ang ginawa ko, ‘yung bahay, inunti-unti kong ipaayos.”
“‘Yung bahay namin tatlong kwarto lang. ‘Yung normal na bahay sa subdivision, which is dati, tingnan mo, sa condo ako nakatira. Sala ko may aircon, may heater ‘yung banyo ko, ‘yung dalawang kwarto ko sa condo, may aircon, may TV na maayos, ang ganda.
“Pero ‘yung bahay ko ito lang. Naka-vinyl lang. Walang aircon, ang init. ‘Yung CR, hindi maayos. Du’n ko narealize na ‘Ano ’to?’ Hindi tama ’to,’” kuwento pa ng dating ka-loveteam ni Andrea Brillantes.
https://bandera.inquirer.net/298554/seth-fedelin-na-pressure-sa-bagong-serye-may-mga-english-lines-kasi-yun-ang-pinroblema-ko
https://bandera.inquirer.net/301741/hindi-po-ako-perfect-nagkakamali-at-nabubulol-pa-rin-ako
https://bandera.inquirer.net/318784/andrea-brillantes-seth-fedelin-ayaw-munang-makatrabaho-ang-isat-isa-bakit-kaya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.