Ruru Madrid walang balak patulan si RR Enriquez: Ayoko pong magpaapekto sa mga ganu'ng bagay, hayaan na po natin... | Bandera

Ruru Madrid walang balak patulan si RR Enriquez: Ayoko pong magpaapekto sa mga ganu’ng bagay, hayaan na po natin…

Ervin Santiago |August 28,2022
facebook
share this

Ruru Madrid walang balak patulan si RR Enriquez: Ayoko pong magpaapekto sa mga ganu’ng bagay, hayaan na po natin…

Ervin Santiago - August 28, 2022 - 08:22 PM

RR Enriquez, Bianca Umali at Ruru Madrid

WALANG balak ang Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid na patulan at sagutin pa ang pakikisawsaw ni RR Enriquez sa relasyon nila ni Bianca Umali.

Naging mainit na isyu ng mga Marites at ng mga sawsawerang netizens ang naging comment ng aktres tungkol sa naging pahayag ni Ruru na apat na taon na silang nagde-date ni Bianca pero wala pa rin daw label ang kanilang relasyon.

Dahil dito, sinupalpal ng tatay ng Kapuso actor na si Bong Madrid, si RR dahil sa pakikialam nito sa relationship ng kanyan anak at ni Bianca.

“Heto pala yung RR ENRIQUEZ. Artista ba to? anong show? nagpa-#prayforbianca, gigil daw siya sa 4 years na walang label.

“Hindi niya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY. Daming pwedeng pagkaabalahan buhay pa ng may buhay pinapakialaman. Daming oras ‘di siya busy. #paginggitpikit,” ang bwelta ng tatay ni Ruru kay RR.

View this post on Instagram

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)


Sagot naman ng aktres, “Ahahaha! I love it na may isang lalaki na (ewan ko if lalaki ba talaga ito na pumatol sa pagiging sawsawera ko

“Sir @bhongmadrid with all due respect. You are asking me if artista ba ako? Sa tanda mo na yan hindi mo ako kilala? Galing po ako sa Wowowee. Dahil sikat yung show na pinapasukan ko 13 years ago.

“Pasensya na din po pala kayo if sumawsaw ako sa issue ng anak nyo.. It was already published.. Sumawsaw lang ako. Bakit hindi po yung unang nag publish na @pikapikaph ang inaway nyo? dahil dun ko po sa kanila nakuha ang issue na about walang label?

“Why kasi takot ka na lalo maissue ang anak mo? And one more thing po if you want privacy huwag nyo po pag artistahin ang anak nyo para po may privacy sya.”

“Lastly po sa sinasabi nyo na kapag inggit pikit. Sorry po I can’t pikit my eyes dahil hindi po kinakainggitan ang relasyon na walang label pasensya na po. And if you like privacy huwag ka po sumawsaw sa issue ng anak mo.

View this post on Instagram

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Pero ok lang naman atleast ayan napasikat din kita. Compared to your post na 7 comments lang aba gusto ko po sabihin na mas sikat ang pagiging Sawsawera ko kesa sa inyo,” pang-aasar pa ni RR.

Ayon naman kay Ruru, kinausap na niya ang ama at sinabihang sana raw ay hindi na nito pinatulan si RR, “Sabi ko nga sa kanya, huwag na niyang patulan. Siyempre may mga ganu’n, I mean, we can’t please everybody, di ba?

“Kung iyon po yung tingin niyang opinyon, e hindi po natin maalis sa kanya. Sariling opinyon niya po yun.

“But for me, it’s okay. Kami naman po ni Bianca, what you see is what you get. So, for sure sa mga taong nakakakilala sa amin, sa mga taong malapit po sa amin, kilalang-kilala po kami kung ano man po yung relasyon naming dalawa,” paliwanag ni Ruru sa isang panayam.

Dagdag pa ng “Lolong” lead star at “Running Man Philippines” contestant, “Ayoko pong magpaapekto sa mga ganu’ng klaseng bagay. So, hayaan na po natin.”

https://bandera.inquirer.net/293679/rr-enriquez-sa-bashers-pakialam-ko-sa-inyo-basta-masaya-ako-sa-ginagawa-ko

https://bandera.inquirer.net/321957/ruru-naiyak-sa-pasorpresa-ni-bianca-sa-korea-dingdong-super-in-love-pa-rin-kay-marian-may-good-news-para-sa-mga-kapuso

https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/319979/paano-nga-ba-nag-umpisa-ang-pagiging-sawsawera-ni-rr-enriquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending