Hugot ni Carlo: Dapat ang love hindi judgmental, kung mahal mo talaga ang isang tao, ipaglaban mo | Bandera

Hugot ni Carlo: Dapat ang love hindi judgmental, kung mahal mo talaga ang isang tao, ipaglaban mo

Ervin Santiago |August 28,2022
facebook
share this

Hugot ni Carlo: Dapat ang love hindi judgmental, kung mahal mo talaga ang isang tao, ipaglaban mo

Ervin Santiago - August 28, 2022 - 07:49 AM

Julia Barretto at Carlo Aquino

BILIB na bilib ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino sa bago niyang leading lady sa pelikulang “Expensive Candy” na si Julia Barretto.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho niya ang dalaga sa isang movie at dito nga niya napatunayang napakagaling ding aktres ni Julia.

Sa kuwento, gaganap si Carlo bilang si Toto, isang high school teacher na wala pang karanasan sa sex kaya tinutukso siya ng kanyang mga estudyante.

Hanggang sa mapadpad siya sa Area (tambayan ng mga protitutes) sa Angeles City kung saan nga niya makikilala si Candy (Julia) na siyang magpaparanas sa kanya ng kakaibang sex – kapalit siyempre ng pera.

Inamin ni Carlo na medyo nahirapan siyang tingnan si Julia nang may malisya dahil nakikita nga niya ito noong bata pa sa ABS-CBN, “Noong una ko siyang makilala, si Juju ang tawag sa kanya kasi nga bata pa lang siya.

View this post on Instagram

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)


“Who knows na darating ang panahon na magiging magkapareha pala kami. So in the movie, I have to look at her in a different light. Sa kuwento, pataas nang pataas ang presyo niya tuwing kukunin ko siya, kaya nga ‘Expensive Candy’ ang title ng movie.

“Sabi nga ng director naming si JP Laxamana, dapat, ang tingin ko sa kanya, yung may desire, may malisya, ganu’n,” ani Carlo.

Pagkatapos nilang gawin ang movie napatunayan ng aktor na, “She’s also good in drama. Meron kaming mahabang confrontation scene and she’s very convincing. Talagang humanga ako sa kanyang pagiging aktres.”

“Mahirap yung role niya, kasi may dance sequens pa siya, but she pulled it off seamlessly.

“Ang ganda ng pagkakagawa niya kasi she just totally let go of all her inhibitions at niyakap niya nang buong-buo ang role ni Candy, the streetwalker. Pasok na pasok talaga siya and I’m so proud of her work in this movie,” aniya pa.

Tungkol naman sa nais iparating na mensahe ng “Expensive Candy”, paliwanag ni Carlo, “Dapat, ang love, hindi judgmental. Ako, teacher dito na nagmahal sa isang pokpok and siyempre, our society looks down on that kind of relationship.

“Kung mahal mo talaga ang isang tao, dapat, ipaglaban mo. Dito, yung love ko for her inspired me, motivated me to work very hard para masundan ko yung pagiging very expensive ni Candy.

“So, panoorin nyo yung aming journey ni Julia as Toto and Candy in ‘Expensive Candy’ as we really did our best for you to enjoy it,” paliwanag niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Expensive Candy” sa mga sinehan nationwide simula sa September 14 mula sa Viva Films.

Julia mas tumaas ang respeto sa mga sex worker dahil sa ‘Expensive Candy’: Iba pala yung sexy ka sa nang-aakit ka

Bela bilib na bilib sa 2 leading man sa ‘366’: Si JC talagang ginalingan, hindi pa action, tumutulo na ang luha

Candy umaming hindi na alam ang gagawin kung minsan kapag sinusumpong ang anak na may ADHD: You can cry, but…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending