Pio Balbuena hinding-hindi makalilimutan si Direk Joyce Bernal, bakit kaya? | Bandera

Pio Balbuena hinding-hindi makalilimutan si Direk Joyce Bernal, bakit kaya?

Reggee Bonoan - August 27, 2022 - 11:28 PM

Pio Balbuena hinding-hindi makalilimutan si Direk Joyce Bernal, bakit kaya?
“SA lahat po ng tambay sa buong mundo kumusta po kayong lahat,” ito ang bati ng dating tambay na rapper, record producer at aktor na ngayon na si Pio Balbuena sa exclusive virtual interview niya sa isang showbiz online.

Kasama si Pio sa pelikulang “Sitio Diablo” na idinirek ni Roman Perez Jr at malaki ang pasalamat niya dahil sa mga pelikulang nilabasan niya.

Inamin ni Pio na naging tambay siya noon at kung hindi sinugalan ang kanyang talento ay marahil hindi pa rin siya nakakaalis sa estado ng buhay niya noon.

Ang una niyang project ay ang TV series sa TV5 na “BFGF” noong 2010 na pinagbidahan nina Kean Cipriano at Alex Gonzaga directed by Binibining Joyce Bernal.

Ayon kay Pio, “hinding hindi ko po makakalimutan kasi siya (direk Joyce) po ang unang naka-discover ng acting ko. Kasi before ‘yung Viva management ko, nadiscover nila ako sa music career ko, sila ‘yung nagbigay ng daan. Pero when it comes to may acting career, si binibining Joyce Bernal talaga ‘yan at hanggang ngayon napakalaki ng utang na loob ko sa tiwalang ibinigay niya.”

Nag-audition daw si Pio sa karakter na Jejemon noon sa “BFGF” kay direk Joyce sa edad na 16 at kung ano ang buhok niya noon ay napanatili niya ito hanggang ngayong 2022 na.

“Kailangan nila ng ka-love triange ni Alex Gonzaga kay Kean Cipriano na jejemon kasi ako ‘yung first gaganap na jejemon sa acting history sa Pilipinas. Kaputukan po ng jejemon noon,” tumatawang kuwento ni Pio.

Wala raw alam sa pag-arte noon si Pio kaya nag-rap na lang daw siya at dito natuwa sa kanya ang box office hits director.

Kaya nang matikman na niya ang pag-arte sa harap ng camera ay nabago na ang pananaw niya sa buhay dahil nga tambay lang siya sa buong buhay niya.

“Graduating po ako ng high school noon, tapos bigla akong mag-artista? Siyempre parang pangarap ‘yun na naabot, so, hindi na ako nag college kasi wala naman akong pampaaral na ng college dahil tatay na.

“So, nu’ng na-experience kong umarte, sabi ko gusto ko uli itong gawin ulit. Gusto ko ng marami kaya pinush ko na ang pangarap ko sap ag-arte,” balik-alaala ng rapper/actor.

Nabanggit ding nagdi-direk siya ng short films na pino-post niya sa Facebook account niya at Youtube channel.

“Sa 12 years ko pong nakikita sa production kung paano gumalaw (mag-direk) kasi observant po ako, kaya kong gawin ito sa social media. Gumawa po ako ng sitcom na exclusive lang sa Facebook at doon po nag-start at awa ng Diyos kinagat ng tao,” kuwento ni Pio.

At dahil nagsimula bilang tambay ay gusto niyang tumulong din sa tulad ng sitwasyon niya noon.

“Nandu’n ako sa point na gusto ko naman tumulong doon sa iba lalo sa mga tambay. ’Yon talaga ’yong advocacy ko, e, ’yong mga tambay na hindi nabibigyan ng pagkakataon na mailabas ’yong talent nila, ’yong mga wala talagang pagkakataon kasi nga ganu’n lang ang hitsura nila kasi galing po ako doon, e.

“’Yong walang masyadong opportunity sa ’yo kasi wala kang magandang damit, kasi hindi ka pang-artista, hindi ka p’wede sa ganitong industrya. Ibibigay ko ’yong pagkakataon na ’yon sa mga talented naman na mga tambay,” pahayag ni Pio.

Inaming may mga offer siyang magdirek ng mainstream movies pero hindi pa niya ito tinatanggap.

“Parang okey pa muna kami ngayon, e, sa ganun (gumawa ng short films sa social media).

“Ngayon, ’yong mainstream, ’yon nga po, gusto ko talaga ’yan kasi ’yon nga po ang dream namin, e. Actually, p’wede naman po ako mag-pitch sa mga kaibigan ko na parang pamilya ko na sa Vivamax, sila Boss (Vic). Hindi ko rin po magawa dahil ayokong mapahiya.

“Pero gusto ko po talaga. ’Yon nga po ang goal ng “Tambay” (serye) ngayon, e. From Tambay to Vivamax o kaya from Tambay to Netflix. Definitely, magkakaroon po. May mga for pitch na kami,” paliwanag ni Pio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by PIO BALBUENA (@piobalbuena)

Dagdag pa, “‘Yon po ang ginagawa namin ngayon sa Tambay, ’yong hindi habambuhay, e, nand’yan ka sa rurok. Hindi lahat ng tambay walang mararating.”

Patok na ang “Tambay” serye ni Pio sa social media kaya naisip na niyang magkaroon ng merchandise tulad ng Tambay caps na lagi niyang suot sa serye.

“’Yong hiphop caps na ’yon ang magbibigay ng opportunities sa lahat ng tambay sa buong mundo na walang pagkakataon. Uso kasi ngayon sa vintage caps ’yon, e. Umaabot ng P800,000 ang isang sumbrero dahil sa sobrang luma, ’yong mga Raiders (raiders).

“So, sa akin, nagi-start ’yong cap namin ng P1,300 hanggang sa tumataas ’yong resale value ng P5,000 isang cap. Sabi ko, instead ako lang ’yong makinabang dito at kumita, bigay ko sa Team Tambay pati sa lahat tambay sa buong mundo na walang pagkakataon na mag-negosyo.

“Suot ko naman lagi so sagot ko na ang branding and marketing, sila ngayon ang magtitinda. Gusto ko na lahat ng walang trabaho na mga tambay, ’yong mga hindi natatanggap sa trabaho, maging mayaman gamit ’yong produkto na ginawa ko, ’yong Tambay cap.”

Anyway, kasama si Pio sa Sitio Diablo movie nina AJ Raval at Kiko Estrada at tambay ang karakter niya rito na napaka-natural ang dating sabi nga ng ilang katoto ay hindi naman na yata umaarte ang rapper/actor.

Kasalukuyan na itong streaming sa Vivamax produced ng Viva Films.

Related Chika:
Champ Lui ng Hale, Claire Nery ikinasal na sa isang intimate church wedding

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rhen nanghihinayang dahil hindi inabot si Julia sa ‘Ang Probinsyano’

Love advice ni Sue kay Diego: May kanya-kanya tayong preferences pag dating sa love

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending