Champ Lui ng Hale, Claire Nery ikinasal na sa isang intimate church wedding | Bandera

Champ Lui ng Hale, Claire Nery ikinasal na sa isang intimate church wedding

Ervin Santiago - January 25, 2022 - 06:37 PM

Claire Nery, Champ Lui Pio at Caden

IKINASAL na ang bokalista ng bandang Hale na si Champ Lui Pio, sa kanyang non-showbiz partner.

Naganap ang church wedding ng OPM artist at ng kanyang bride na si Claire Nery sa St. James the Great Parish in Alabang, Muntinlupa City.

Nag-share si Champ sa kanyang Instagram account ng ilang litrato nila ni Claire na kuha sa kanilang intimate wedding ceremony.

“Mr & Mrs. Lui Pio,” ang maikling caption na isinulat ng singer-composer.

Sa IG page naman ni Claire, ito ang mensaheng inilagay niya sa ibinahagi niyang wedding picture nila ng asawa, “’Therefore what God has joined together, let no one separate’ —Mark 10:9.”

Base sa wedding photos ng bagong kasal, bukod sa kani-kanilang pamilya, um-attend din sa pag-iisang-dibdib ng mag-asawa ang ilang malalapit na kaibigan kabilang na ang aktor at mixed martial arts champion na si Ali Khatibi.

Bukod kina Champ at Claire, nag-post din ang Nice Print Photography ng ilang sweet moments ng mag-asawa sa kanilang espesyal na araw. 

View this post on Instagram

A post shared by Champ Lui Pio (@champluipio)


May litrato rin sina Champ at Claire kasama ang kanilang anak na si Caden na nakasuot din ng Barong Tagalog na kapareho ng sa kanyang tatay.

Kung matatandaan, kinumpirma ni Champ sa publiko ang relationship nila ni Claire sa pamamagitan ng isang love letter na ipinost niya sa Instagram noong October, 2018.

Ikinuwento rin ng OPM artist na nag-propose siya sa kanyang partner nu’ng taon ding iyon nang magbakasyon sila sa isla ng Siargao.

“4 years ago I proposed to the love of my life. So much crazy has happened to the world since then. 

“From Siargao to Manila to La Union, it doesn’t matter where we are as long as we’re together. Just a few more days,” ang caption niya sa kanyang IG post.

Noong September, 2019, in-announce ng magdyowa na magiging parents na sila. Isinilang ang kanilang panganay na si Caden noong Oct  10, 2019. 
https://bandera.inquirer.net/300489/neri-chito-7-years-nang-kasal-you-are-the-best-dad-and-the-best-husband-wala-na-kaming-mahihiling-pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/291838/pacquiao-shookt-sa-pagsalubong-ng-fans-sa-naia-pasensiya-na-kayo-hindi-tayo-nagwagi-pero-lumaban-tayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending