TULOY pa kaya si Enrique Gil bilang leading man sa Philippine adaptation ng Korean drama na, “It’s Okay to Not be Okay” ngayong hindi na ang girlfriend niyang si Liza Soberano ang lead actress?
Ang Korean actress na si Seo Yea-ji ang bida sa nasabing KDrama.
Ito sana ang gagawin ng LizQuen sa Kapamilya network pero hindi na natuloy dahil nabago na ang plano ni Liza bukod pa sa nagbago siya ng management company at sa kasalukuyan ay nagso-shoot na siya ng Hollywood movie na “Lisa Frankeinstein”.
Si Erich Gonzales ang sumunod na nabalitang gaganap sa “It’s Okay to Not be Okay” pero sa kasalukuyan ay wala pang update ang ABS-CBN management at maging ang aktres ay wala ring komento pa.
Hmm, baka ini-enjoy pa ng aktres ang pagiging buhay ng bagong misis sa asawang si Mateo Rafael Lorenzo.
At dahil hindi na yata makakapaghintay kay Erich ang proyekto kaya si Anne Curtis na ang napiling gaganap sa karakter na Ko Moon-young sa nasabing K-drama series.
Kaya ang tanong ng lahat, si Quen pa baa ng leading man? Base sa obserbasyon ng netizens ay halatang mas bata ang aktor kung ikukumpara kay Anne.
Kaya palaisipan ngayon kung sino ang gaganap sa karakter na Moon Gang-tae?
* * *
Parang linggu-linggo ay may bagong karakter sa TV series na “Suntok sa Buwan” nina Aga Muhlach at Elijah Canlas dahil nitong nakaraang linggo ay si Ketchup Eusebio at itong papasok na linggo ay si Gio Alvarez naman.
Palaisipan sa manonood ng “Suntok sa Buwan” kung kakampi o kaaway ito nina Aga as Jimmy Boy at Elijah bilang si Dos.
Gagampanan ni Gio ang karakter na si Doc Arthur na nagsisimula palang siyang gumana noon ng pangalan niya bilang surgeon nang sampahan siya ng ng malpractice suit ng pamilya ng isang namayapang pasyente who was looking for someone to blame.
Galing sa middle class family si Arthur. His confidence in himself was always rooted in his intellect. He saw his intellect and his profession as the way to ensure a comfortable future for himself and his future family.
Pero sa hangad niyang mapabilis ang pagyaman at pag-establish ng pangalan sa karera, sinagad niya ang sarili niya and eventually led to his downfall.
Ang tanging pinagpapasalamat niya’y hindi pa nga siya nakakapagsimula ng sariling pamilya na mangungungulila sa kanya habang nasa loob siya ng kulungan.
Ito ang highlight sa SSB simula Agosto 29 hanggang Setyembre 2 kung saan Dos gets into a shady deal with a boxing spectator.
Ayon sa deal ay ipatalo ni Elijah ang laban niya vs Pistol at may instant 20k kaagad siya, tatanggapin ba niya ito? Kailangan kasi nito ng malaking halaga para sa abogado ng tatay niyang si Aga na nakakulong at may sakit na kanser na kailangan ng mahabang gamutan.
Nalaman ito ni Aga at nagalit siya sa anak (Dos) pero masisisi ba niya ito kung para naman sa kalayaan niya?
Related Chika:
Enrique Gil hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings
Liza Soberano, James Reid magtatambal nga ba sa isang proyekto?
Enrique Gil magbabalik na sa showbiz matapos ang 2 taon