MARIING pinabulaanan ni Andrew Schimmer ang nasulat na si Coco Martin ang sumagot sa hospital bill ng asawang matagal nang naka-confine sa St. Lukes BGC dahil sakit nitong severe hypoxemia
Nakapanayam ni Ogie Diaz si Andrew sa kanyang vlog na in-upload sa YouTube channel nito tatlong linggo na ang nakararaan at doon naikuwento ng aktor ang pinagdadaanan ng pamilya at marami ang naantig sa kanya at nagpadala ng tulong.
Nitong August 18 ay nag video post si Andrew sa kanyang Facebook account na kapag binigyan na sila ng go signal ng pulmonologist ay puwede na niyang ilabas ng hospital ang misis niya sa katapusan ng buwan ng Agosto.
Ang caption ni Andrew sa video post niya ay, “This is by far the best news that I’ve heard this past 8 Mnths (emojis praying hands, heart, happy face).”
At dahil dito ay marami ang natuwa sa magandang balitang ito ni Andrew mula sa supporters nila at sa mga nakatulong na rin sa kanya.
Hindi lang nagustuhan ni Andrew na sinagot ni Coco ang hospital bill ng asawa na umano’y abot sa P6M.
Nabasa namin ang sinasabi ng aktor at wala namang nasulat na sinagot lahat ng “FPJ’s Ang Probinsyano” lead actor ang hospital bill kundi nagpadala siya ng tulong.
Ang ikina-react ni Andrew ay ang titulo na misleading daw.
Pagtatanggol ni Ogie sa YouTube channel nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh na in-upload kaninang hapon ay, “ang (titulo) nakalagay ‘P6M utang sa hospital: Coco Martin umayuda kay Andrew’
“Marami ang naka-misinterpret no’n na akala ng karamihan ng netizens na based lamang doon sa article ay si Coco Martin ang nagbayad lalo na ‘yung hindi nakabasa ng buong artikulo at nag base lang sila doon sa title.
“Kaya naman may mga comments doon na, ‘at least naman ‘yung pitong taon ni Coco Martin sa Ang Probinsyano ay naitulong niya kay Andrew Schimmer. Agad itong nilinaw ni Andrew Schimmer sa atin na hindi ito totoo.”
Nabanggit pa ng talent manager at content creator na tinawag na raw ni Andrew ang pamunuan ng diyaryo kung saan nasulat na kung puwedeng i-kurek pero hindi pa raw siya binabalikan kaya kay Ogie na siya humingi ng tulong.
Sabi ni Ogie, “sa unang basa mo ay iisipin mo na si Coco Martin ang nagbayad ng buong bill na utang niya sa ospital.
“Siyempre Loi, ako naging editor din kaya gagawa ako ng click bait parang ganu’n ‘yun. Kailangan mong basahin ang loob para maintindihan at kung saan nanggagaling ‘yung title nu’ng article.”
Pero pinuna ni Ogie na may pagkukulang si Andrew dahil hindi raw nito binanggit kung saan hospital naka-confine ang asawa niya dahil ang nasulat ay Medical City na dapat sana ay St. Lukes sa Bonifacio Global City o BGC.
“All throughout the journey ng hospitalization ni Joo (Jho Rovero) ‘yung kanyang asawa ay sa BGC St. Lukes,” klaro ni Ogie.
Say naman ni mama Loi, “ah, so click bait lang ‘yung title para siyempre ma-curious ang mga taong basahin ‘yung article. Pero ‘nay kung click bait lang ‘yun, anong isyu kay Andrew? Click bait lang naman pala?”
“Oo nga ‘yung click bait na ‘yun nga ang sinasabi ko Loi na hindi naintindihan ng ibang netizen (at) dahil hindi nila naintindihan, so, ang pagkaka-intindi nila, FIRM sila na parang niloloko ng pamilya ni Andrew ang mga netizens na naghuhulog sa kanila ng Gcash o BDO account (bilang tulong). Parang something na ‘bayad na pala ‘yung ano (bills)’ bakit nanghihingi pa (tulong).
“Parang pinagbibintangan tuloy si Andrew na scammer. Kaya ang ikinalulungkot ni Andrew ay hawak kasi ng panganay niyang anak ‘yung cellphone na siyempre may mga messages do’n na encouragement na ‘sige laban lang kayo, mabait ang Diyos. Ipinagdarasal sila’ kaya doon (sa anak) na niya ipinamahala ang cellphone hanggang sa makabasa na nga ‘yung bata ng masasakit na salita galing sa ilang netizens.
“Doon na nagre-react si Andrew na mali ‘yung pagkakaintindi ng iba sa naging panayam nila kay Rey PUmaloy (Abante columnist),” paliwanag mabuti ni Ogie.
Susog naman ni mama Loi, “ahh, e oo nga naman ‘nay kapag hindi mo binasa buong article isipin mo bayad na!”
“Bayad na nangungulekta pa, nag-ask pa ng Gcash,” sabi pa ni Ogie.
At dito sinabi ni Ogie na, “hindi pa bayad ang hospital pero pinayagan na sila ng St Lukes BGC na makauwi ang kanyang misis at doon (sa bahay nila) ipagpatuloy ang gamutan since may routine naman na si Andrew doon na sinusunod habang naka PDC (post dated checks) si Andrew sa St. Lukes. So hindi pa rin talaga bayad!
‘Yung iba akala naka-P5M na ang nakukulekta ni Andrew sa pa-gcash pero hindi at nakalagay naman sa article na P.5M ang nakulekta. Ano ang ibig sabihin ng P.5M? P500,000 (500k).
“May period po yan (bago ang 5) at nami-misinterpret ng iba. Siyempre hindi naman lahat ay malawak ang pang-unawa, malawak ang comprehension sa kanilang binabasa hindi naman natin masisisi.”
Dagdag ni Ogie, “ako nap o ang nagba-vouch na humihingi pa rin po ng tulong si Andrew.”
Balik-tanong ni mama Loi, “so ‘nay hindi si Coco ang nagbayad?”
“Hindi, nag-share si Coco ng blessings noong October o November last year bilang pandagdag lamang doon sa (gastusin) pero pinagpapasalamat naman ‘yun ni Andrew. Pero hindi po si Coco lang, sabi nga ni Andrew sa akin, napakaraming artista ang tumulong. Nakakahiya naman kung hindi ko sila lahat mababanggit,” kuwento ni Ogie.
At isiningit ni Dyosa Pockoh, “isa kayo (tumulong).”
Natatawang sabi naman ni mama Loi, “nakita ko ‘yun, eh, tseke, ha, ha, ha.”
Samantala, ipinakita ang video ni Andrew na sobra siyang nagpapasalamat kay Rey Pumaloy sa panayam nito at sa nasulat sa kolum niya sa Abante at may konting mali lang na itinuwid niya na hindi binayaran ni Coco Martin ng buo ang bill nila sa hospital.
Nabanggit pa na kung babasahing maigi ay nakalagay naman na nagbigay ng tulong si Coco pero hindi niya binayaran ng buo.
Related Chika:
Anak ni Andrew Schimmer humingi ng tulong para sa inang nasa ICU
Pakiusap ni Andrew Schimmer sa asawang may sakit: Please, fight more…don’t give up yet
Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na