Ate Gay, Vice Ganda nagkita at nagkaayos na: Love love love

Ate Gay, Vice Ganda nagkita at nagkaayos na: Love love love
MULING nagkrus ang landas ang dalawang komedyanteng sina Ate Gay at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Nitong Biyernes, Agosto 26 nang maganap ang muling pagkikita ng dalawa dahil parehas silang bahagi ng nagdaang concert ng Beks Battalion na binubuo nina MC Muah, Chad Kinis, at Lassy Marquez.

Mukhang nagkasundo na at naging maayos nang muli ang lahat sa pagitan nina Ate Gay at Vice Ganda nang muli silang magkita.

Nag-post pa nga ito sa kanyang Instagram account ng larawan nilang dalawa bilang tanda na wala na silang samaan ng loob.

“Love love love.. [heart emoji],” saad ni Ate Gay sa caption ng kanyang IG post.

Bago ang naturang Beks 2 Beks 2 Beks concert na naganap sa New Frontier Theater kung saan nag-guest silang dalawa, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

Matatandaang noong Nobyembre 2019 ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa matapos hindi magustuhan ni Ate Gay ang naging biro ni Vice Ganda sa “Tawag Ng Tanghalan” contestant na kahawig niya.

Ngunit sa kabila nito ay nagpaabot pa rin ng tulong ang Unkabogable Star nang mabalitaan nitong nasa ospital ang kaibigan dahil sa sakit nitong toxic epidermal necrolysis (TEN).

Nakapanayan naman ni Ogie Diaz si Ate Gay kung saan nagpasalamat ito sa tulong na ibinigay ni Vice.

“Nagpapasalamat ako dahil nakarating sa kanya na nasa ospital ako at walang kaabug-abog na tutulong daw siya.

“Tumulong naman siya at ayun, nagpapasalamat ako. Sa kabila ng mga nangyari sa akin sa Showtime, naramdaman ko yung puso niya, sa puso ng mga kaibigan mo sa showbiz,” pahayag ni Ate Gay.

Ngunit muling nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa nang maungkat ang halaga ng ibinigay ni Vice sa kanya na P20,000.

Matapos nito ay nagpasaring naman si Vice sa kanyang noontime program na “It’s Showtime”.

“Parang… may natulungan ako. Hindi ko ipinagmalaking meron akong natulungan, pero yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya,” chika ni Vice.

Hindi man binanggit ni Vice kung sinong kaibigan pero alam na ng mga netizens na si Ate Gay ang pinatutungkulan nito.

Pagpapatuloy ni Vice, “Tapos nilabas niya kung magkano yung itinulong ko sa kanya. “Parang napalunok ako. Parang, ‘Pag ako ba yung tumulong, dapat may presyo? May ceiling?’ Di ba, dapat hindi mo mabasa, ganito… Naano ako, sabi ko, tumulong na ako nang kusa, ayoko ngang magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi.

“Pero yung nilabas mo pangalan ko, ‘tapos inokray pa ako, ‘Bakit P20,000 lang ang binigay mo?’ Nasaktan ako talaga. Parang, kapag hindi ka tumulong, ang sama-sama mo. Pag tumulong ka, kukuwestyunin pa, ‘Bakit yun lang ang itinulong mo?’ That hurts so much.”

Agad namang humingi ng tawad si Ate Gay sa kaibigan at sinabing hindi niya intensyon na maging masama ang labas ng pagtulong ni Vice sa kanya.

“naprovoke lang po ako sa isang fan na sabihan ako na sana di nalang ako tinulungan ni vice sana NAMATAY nalang ako kaya nilabas ko mga amount ng tumulong sa akin,” sey ng komedyante.

Dagdag pa ni Ate Gay, “Nagpapasalamat ako kay vice at si ogie diaz ang tulay sa pagsosorry ko kay vice.. masyado lang ako nasaktan sa basher..”

Related Chika:
Ate Gay halos P1-M ang hospital bill: Kung walang work mga kapatid ko, baka patay na ako ngayon

Ate Gay ibinuking kung magkano ang ibinigay na tulong nina Vice, Paolo at Ogie nang maospital siya

Ate Gay nag-sorry matapos ang viral statement ni Vice ukol sa pagtulong

Read more...