“I’ve had about 6 or 7 days of filming already,” ito ang kuwento ni Liza Soberano sa panayam sa kanya ng TV Patrol tungkol sa Hollywood movie na ginagawa niya ngayon.
Matatandaang ang magkaroon ng Hollywood career ang dahilan ng aktres kaya siya bumitaw sa manager niyang si Ogie Diaz para lumipat sa management company ng singer/actor na si James Reid.
Ipinaliwanag din naman ito noon ni Ogie na hanggang Pilipinas lang ang kaya niya para sa showbiz career ni Liza kaya naman nang magpaalam sa kanya ang itinuring na anak pagkalipas ng 11 years ay kaagad siyang pumayag at winish pa niya ito ng maganda.
Ilang buwan palang ang nakalipas mula nang i-anunsyo ni Ogie na wala na sa kanya si Liza at ini-launch na rin ang aktres ni James na siya na ang nangangalaga sa career nito ay heto wish granted na ang pangarap ng dalaga.
Isa si Liza sa cast ng horror-comedy Hollywood film na “Lisa Frankenstein” at nakapagsimula na ng shooting sa New Orleans, Louisiana sa US.
Hindi rin makapaniwala si Liza na matatanggap siya dahil nakatanggap kaagad siya ng tawag pagkalipas nang dalawang araw matapos niyang mag-audition.
Stepsister ang role ni Liza sa lead actress na si Kathryn Newton at kasama rin si Cole Sprouse mula naman sa pelikulang Riverdale.
Ang anak ni Robin Williams na si Zelda Williams, director/producer/actress ang nag-encourage raw kay Liza na dumaan siya sa audition at nagpadala naman siya ng self-tape at after two days, tinawagan na siya.
Nabanggit din ng aktres na nasa South Korea siya noong makatanggap siya ng tawag mula sa manager niya at sinabing nakuha niya ang role sa “Lisa Frankenstein” movie.
“And then, I was like, ‘Oh, my gosh!’ But the funny thing is, I’d like to downplay things in my head until I’m actually there in the moment. Because I don’t wanna get too excited and then, biglang mauudlot,” masayang kuwento ng aktres.
Sambit pa ni Liza na intimated kaagad siya sa co-stars niya.
“At first, I was definitely intimidated before I got to meet them because I didn’t know how they were going to be, I didn’t know how they were going to treat me. As soon as I got into it, it was as if I never took a break,” saad pa.
Dagdag pa, “I’m really happy that a lot of people know that I’m working on this project now because my fans have been waiting for the longest time since 2022 from me to go back into acting. And so I’m happy that they finally have something to look forward to.”
Related Chika:
Liza Soberano eeksena sa Hollywood movie na ‘Lisa Frankenstein’ kasama si Cole Sprouse?
AC Bonifacio payag bang mag-audition sa Korea para maging K-Pop idol?
Liza Soberano natupad na ang ultimate dream, kasali sa cast ng ‘Lisa Frankenstein’