NATANONG ang direktor ng pelikulang “Sitio Diablo” na si Roman Perez Jr kung bakit niya ginawa ang pelikula na ang kuwento ay tungkol sa war on drugs at base rin sa pahayag ng lead actor na si Kiko Estrada na tungkol din sa culture ang ipinakita rito.
“Marami nang nagawang pelikula tungkol sa war on drugs pero dumaan lang siya sa atin. After election, dumaan lang siya sa atin.
“May nangyaring ganitong karahasan, dumaan lang, madaling makalimot ang mga Pilipino, sobrang madaling makalimot,” saad ni Direk Roman.
“Baka kailangan nating isulat gawing akda o gawing (pelikula) para maalala na may ganitong pangyayari kasi baka maulit ulit.
“Hindi lang ngayong panahon na ito, baka maulit ulit sa ibang panahon, at least nakabuo tayo ng pelikula at ganitong uri ng kultura ang ginamit natin. Ginamit natin ang music, ginamit natin ang urban culture para maikuwento. At least mayroong nag-mark o konting nag-mark na ang Sitio Diablo ay ganyang pelikula,” mahabang paliwanag ni Direk Roman.
Sa tingin ba ng direktor na kapag napanood ang pelikulang “Sitio Diablo” ay makakatulong ito sa mga tao.
“Definitely yes! Tulad ng ibang cast dito, na-experience nila ‘yan sa baba. So, kung mapanood ng iba ito sa Vivamax at sa Telegram (tawanan ang lahat), mas lalo silang makaka-relate dito kasi sila ‘yung nasa baba na hindi afford magbayad ng Vivamax (subscription),” sey ni Direk Roman.
“At pag napanood nila sa Telegram, sasabihin nila, ‘uy gang namin ‘yun.’ Proud sila ro’n pero sa likod nito, naapektuhan sila at kahit konting movement at least naka-relate ang audience sa pelikula at masaya na po tayo ro’n,”katwiran ni direk Roman.
Natanong din ang direktor kung sino sa mga nakaupo ngayon sa gobyerno ang gusto niyang mapanood ang “Sitio Diablo”.
Natawa muna ng todo si direk Roman, “marami pa pong nakaupo hindi ko po sila maiisa-isa. Pero marami pa sila hindi naman sila umalis, nandiyan pa rin sila.”
Anyway, kasalukuyang umeere na ang “Sitio Diablo” sa Vivamax produced ng Viva Films at ang cast ay sina AJ Raval, Joko Diaz, Kiko, Benz Sangalang, Massimo Scofield, Karl Aquino, Alvaro John Oteyza, Shiena Yu, Sujin Kwon, Alona Navarro, Sahil Khan, at mga hiphop/RnB artists-turned actors na sina Ace Raval, Cean Jr., JUST HUSH, Because, at Pio Balbuena.
Related Chika:
AJ Raval, Kiko Estrada tumodo sa pag-aaksyon sa ‘Sitio Diablo’, pasabog din ang bakbakan sa kama