Claudine Barretto sa annulment nila ni Raymart Santiago: Siya na ang pinag-file ko

Claudine Barretto sa annulment nila ni Raymart Santiago: Siya na ang pinag-file ko

GUSTO nang isaayos ng aktor na si Raymart Santiago ang paghihiwalay nila ng estranged wife niyang si Claudine Barretto dahil inamin ng huli na may annulment case na pero wala pang hearing.

Ito ang naikuwento ni Claudine sa panayam niya sa ilang media friends na dumalo sa opening ng coffee restaurant sa Tagaytay City kamakailan na pag-aari ng kaibigan niya.

Hanggang sa kasalukuyan daw kasi ay hindi pa nagkaka-ayos sina Claudine at Raymart na base rin sa kuwento ng aktres sa mga kasamahan sa trabaho.

And to quote Claudine, “Hindi pa rin kami okey lalo na ngayon, nag-i-start na kami sa annulment.”

Taong 2003 pa nang naghiwalay sina Claudine at Raymart pero hindi na raw sila nagkaayos pa kaya sinimulang i-process ang annulment noon pang 2004.

Ayon pa sa pahayag ni Claudine, “ngayon pa lang kami mag-i-start sa annulment. Meron kaming hindi napagkakasunduan. So, parang back to square one na naman kami. ‘Yung parang kung kailan tahimik, heto na naman. Ayaw na namang tumigil.”

Ang sinasabi marahil ng aktres na ‘kung kailan tahimik, heto na naman ayaw tumigil’ ay dahil walang nababalitaang gulo sa pagitan nila ng dating asawang aktor.

Kung baga privately ay inaayos na ito nilang dalawa but since natanong siya tungkol sa update ng estado nila bilang mag-asawa, yes technically mag-asawa pa rin dahil hindi pa sila tapos ang annulment.

At sinabi rin ni Claudine na si Raymart ang nag file ng kaso para mapawalang bisa ang kanilang kasal.

“Siya na ang pinag-file ko. Alangan namang ako pa rin ang gumastos pagkatapos ng lahat ng nakuha niya. Dyusko! Hahaha!

“Siya ang gumastos, ‘di ba? Siya ang may kailangan, siya ang gumastos,” pahayag ng aktres.

Tinanong kung may pinaghahandaan si Raymart kaya pursigido na niyang ituloy ang annulment

“Maybe… Siguro,” natawang sagot ng mama nila Santino, Sabina, Quia at Noah.

Nabanggit pa na mga legal counsel nila ang nagkikita at nag-uusap tungkol dito.

Pero bago naman nauwi sa desisyong ipawalang bisa na ang kasal ay sinubukan naman daw nina Raymart at Claudine na mag-ayos.

“Alam mo, tinry ko na, pero hindi effective, eh. So, bahala na siya,” sambit ng aktres.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Raymart Santiago o ng kampo niya.

Related Chika:
Claudine Barretto sumabog na naman ang galit kay Raymart: Fight fair for once in your life!

Shaina, Raymart sa pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano’: To be part of the history sobrang laking honor nu’n

Piolo, Shaina magdyowa na raw, sweet na sweet sa Bohol; naka-double date sina Jodi at Raymart?

Read more...