Heaven Peralejo binanatan ng netizens dahil sa acne post: ‘Naka-only me ‘yung acne niya’

Heaven Peralejo binanatan ng netizens dahil sa acne post: 'Naka-only me 'yung acne niya'

INULAN na naman ng mga batikos ang aktres na si Heaven Peralejo dahil sa post nito sa social media.

Ito ay may kaugnayan sa kanyang post patungkol sa kanyang karanasan nang magkaroon siya ng acne o tigyawat.

“I’ve struggled battling with acne for so many years. I had a hard time accepting my skin because it just got worse to the point that it also affects my body weight. I was so scared to be judged especially in the industry I’m part of,” bahagi ng post ni Heaven.

Dagdag pa niya, “And then I realized that the problem is with those people who criticize you for being human. I am aware of my flaws and I embrace them. Never let anyone make you feel bad about yourself because of normal things!”

Pinaalalahanan rin ni Heaven ang mga netizens at kanyang mga tagasuporta na palaging mahalin at alagaan ang sarili.

At ilang oras lang nang mag-post ang aktres ay agad na ngang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa madlang pipol.

Hindi kasi maiwasan ng mga netizens na pansinin ang larawang ibinahagi ni Heaven kung saan hinahanap nila ang “worst acne’ na tinutukoy nito.

“How can she empower something na di naman niya na-experience? Saying you relate to people with acne by having 2 occasional pimples are not the same. Wag siya magfeeling ng pinagdaraanan ng may mga acne kase she doesn’t know anything how it feels,” saad ng isang netizen.

 

 

Comment naman ng isa, “And what’s really annoying is yung caption is about acne pero yun photos nakabikini at clear skin? Like anong connect nun? Toxic positivity post para maggain lang ng attention.”

“Naka only me yung acne niya,” hirit naman ng isang netizen.

May ilan pa nga na kinukwestyon si Heaven kung aware ba talaga siya kung ano ang acne dahil wala namang bakas sa mukha niya ng pagkakaroon nito.

Maski sa Twitter ay naging topic rin ang dalaga dahil sa “wala sa hulog” raw ang mga posts nito.

“What’s wrong with Heaven Peralejo ay ang hilig nila magpost na wala sa hulog. Nagpost ka about Acne, samantalang iisa lang pimple mo. Alam kaya niya struggle ng mga taong may acne? Yung iba diyan nadedepress pa, hindi makalabas kasi bumaba ang self confidence. Parang yung mga tao,” pahayag ng netizen sa Twitter.

Dumipensa naman ang aktres patungkol sa kanyang post.

“PS Everybody gets breakouts whether small or big and it’s just so unreasonable to make someone feel bad about something they’re already insecure about,” sey ni Heaven.

Dagdag pa niya, “”These are just some few pics I have in which my acne scars are somewhat visible. Believe me, I’ve experienced worse but I never had the confidence to accept it not until now.

“I don’t even know why I have to explain myself but it’s just so ridiculous that even the size of my acne is being bashed by some.”

Related Chika:
Heaven Peralejo sa mga nagkakaroon ng breakouts: Acne is nothing to be ashamed of

2021 ni Heaven Peralejo magkahalong luha at tagumpay; malaki ang utang na loob sa Siargao

Heaven umaming naging ‘rollercoaster’ ang buhay: I’m in the phase of loving myself

Heaven Peralejo natuto sa ‘science’ dahil sa mga bashers

Read more...