Jessy na-food poison sa 6th week ng pagbubuntis: Grabe ‘yun! Buong araw akong balik nang balik sa bathroom, umiiyak na ‘ko
NOW it can be told. Nabiktima pala si Jessy Mendiola ng food poisoning na talagang ikinabahala ng husband niyang si Luis Manzano.
Sa latest YouTube vlog ni Jessy, ikinuwento nila ni Luis ang kanilang journey noong malaman nilang preggy na si Jessy.
Kasama na rito ang kuwento about Jessy’s experience during her first trimester.
“Mas tumaba pa ako sa kanya noong first trimester. Parang napasa niya sa akin lahat,” pagbabalik-tanaw ni Luis.
“Hindi, alam mo kung bakit ako hindi tumaba noon, na food poison ako. Sixth week ko yata,” say ni Jessy.
View this post on Instagram
Sobrang nag-worry si Jessy that time, “Grabe ‘yun, the whole day akong balik nang balik ng bathroom. Tapos, umiiyak na ako, tapos nagkalagnat na ako nu’ng hapon na, dinala na niya ako sa hospital.
“Buti na lang si Doc Medina malapit siya sa hospital nu’ng time na ‘yun, dinaanan niya talaga ako. Sinabihan niya ako na, ‘it’s okay basta’t maturukan ka lang ng dextrose.’
“Sabi niya, ‘of course hindi naman mabuti na nagka-food poisoning ka pero at least ngayon nangyari, noong 6th week.’ Kasi kumbaga hindi pa masyadong buo si Peanut,” chika ni Jessy.
Of course, worried din si Luis that time, “Never pa ako nakakitang ganu’n karaming beses nagbanyo ever.
“So, ako siyempre, and I’m sure para sa kanya din, actually, para sa akin doble ang worry ko. Siyempre, para sa misis ko at the same time para kay Peanut,” say ni Luis.
https://bandera.inquirer.net/299614/jessy-nakiusap-sa-haters-sana-wag-nating-i-crucify-ang-isang-tao-dahil-lang-mali-yung-sinabi-niya
https://bandera.inquirer.net/293594/jessy-ayaw-nang-makipaghalikan-sa-serye-at-pelikula-pinagbawalan-ba-ni-luis
https://bandera.inquirer.net/319276/kim-chiu-kinakarir-ang-balik-alindog-program-muling-nag-join-sa-duathlon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.