Instagram photos ni Nadine Lustre at ng French BF burado na, pati litrato ni James Reid waley na rin | Bandera

Instagram photos ni Nadine Lustre at ng French BF burado na, pati litrato ni James Reid waley na rin

Reggee Bonoan |August 22,2022
facebook
share this

Instagram photos ni Nadine Lustre at ng French BF burado na, pati litrato ni James Reid waley na rin

Reggee Bonoan - August 22, 2022 - 05:44 PM

Christophe Bariou at Nadine Lustre

MAINIT na tsikahan ngayon ng mga “Marites” kung na-hack ba ang Instagram account ni Nadine Lustre.

Nabura kasi ang old photos nila ng ex-boyfriend niyang si James Reid kasabay din ng mga larawan nila ng current boyfriend niyang French-Filipino na si Christophe Bariou.

O, baka si Nadine rin mismo ang nagtanggal ng mga nasabing larawan dahil gamit niya ang social media account para sa online endorsements niya?

Pero ang tsikahan ng loyalistang supporters ng JaDine at ng mga Marites ay bakit nasabay ang pagtanggal ni Nadine sa mga larawan ni James nang ma-link ang aktor sa K-pop idol na si Nancy McDonie ng Momoland na nakitang nag-date sa Amerika?

Matatandaang may project sana noon sina James at Nancy na “The Soulmate” noong 2019 under Dreamscape Entertainment na ididirek ni Antoinette Jadaone pero dahil sa pagsasara ng ABS-CBN ay hindi na ito itinuloy.

View this post on Instagram

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


Dati nang na-link noon sina James at Nancy at isa kaya ito sa dahilan kaya naghiwalay na ang JaDine na inamin nila noong Enero, 2020?

Sitsit ng mga JaDine supporters ay nanghinayang sila dahil sa pagtanggal ni Nadine ng old pictures nila ni James ay nangangahulungang may closure na at wala na talagang pag-asang magkabalikan pa ang dalawa.

Hoping pa rin kasi ang fans dahil nga may communication pa rin ang dalawa lalo’t si James ang manager ni Nadine under Careless Music.

Pero ang ikalawang tanong, anong nangyari at nawala rin ang mga larawan ni Christophe sa IG account ng aktres?

May pinagdaraanan din ba si Nadine at ang kanyang French-Filipino boyfriend?

Christophe Bariou pormal nang ipinakilala ni Nadine sa ama?

Relasyong Nadine Lustre-Christophe Bariou Instagram official na, sweet photos pinusuan ng netizens

‘Kissing video’ ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang ‘magdyowa’: Fake news yarn!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending