Lyca Gairanod nilinaw ang controversial answer sa ‘Family Feud’: Ang hirap sumagot nang biglaan

Lyca Gainarod nilinaw ang controversial answer sa 'Family Feud': Ang hirap sumagot nang biglaan
NAGSALITA na ang “The Voice Kids Philippines” season 1 winner na si Lyca Gairanod ukol sa controversial answer niya sa Kapuso game show na “Family Feud”.

Nilinaw ng singer na wala siyang nais ipakahulugan sa naging sagot at idinenay rin niyang ang kasalukuyang presidente ang kanyang tinutukoy.

Nag-viral kasi sa Twitter ang video clip na kuha sa episode ng “Family Feud” kung saan tinanong siya kung sa anong hayop inihahalintulad ang corrupt na politiko.

“Guys, iki-clear ko lang ‘yung about sa issue na kumakalat nung [August] 15. Actually guys, hindi ko siya tinutugma sa presidente natin and syempre wala naman kaming karanasan [sa Martial Law] or whatever,” saad ni Lyca.

Aniya, naintindihan naman daw niya ang itinanong sa kanya ni Dingdong Dantes ngunit kapag ikaw na raw mismo ang nakasalang ay may pagkakataong mabibigla ka rin sa sagot mo at mabablangko.

 

 

“Ang hirap sumagot nang biglaan kasi nga mayroon lang kayong 3 seconds,” dagdag pa ni Lyca.

Hindi rin naman daw niya mapipigilan ang mga tao na magbigay ng opinyon ukol sa nangyari.

“Natatawa nga ako sa mga gumagawa ng [isyu]. Ginagawa nilang personal or ‘yung iba, hindi maka-move on pero atleast ‘yung presidente natin nakaupo na,” sey ni Lyca.

Kaya naman humingi na rin siya ng tawad sa mga taong na-offend sa kanyang sagot na “tigre” lalo na kay Pangulong Bongbong Marcos.

“I’m so sorry po pero hindi po kayo [ang tinutukoy ko]. Mahal na mahal ka po namin. Kini-clear po namin ‘yun,” hinging paumanhin ni Lyca.

Dagdag pa niya, “Talagang nabigla lang kami sa mga sagot namin.”

Inamin rin ni Lyca na naibigay na kasi ng kanilang kalaban ang naiisip niyang sagot kaya “tigre” na lanang ang nasabi niya.

Matatandaang kilala sa bansag na “Tiger of the North” si Pangulong Bongbong Marcos at ito rin ang pakilala sa kanya nitong nagdaang election campaign.

Kaya naman marami sa mga netizens ang nag-akala na ang presidente ang tinutukoy niya.

Related Chika:
Lyca Gairanod binansagang ‘Meme Queen’, mensahe ni Karen: May plano ang Panginoon para sa iyo, I love you!

Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

#OhMyGod: Karen, Lyca nag-celebrate ng birthday together

Lyca sa viral vlog ni Karen: Sobrang totoo po ang gulat ko, ang pangit po ng gulat ko walang maganda!

Read more...