Carla Abellana sa nahuling dog meat trader: Kulong ka ngayon!

Carla Abellana sa nahuling dog meat trader: Kulong ka ngayon!
IBINAHAGI ng Kapuso actress na si Carla Abellana na nagtagumpay ang kapulisan na mahuli ang isang dog meat trader.

Ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram post nitong August 16, Martes.

“Kulong ka ngayon,” masayang saad ni Carla.

Kilala sa tawag na Bitoy o si Hernando Polintan sa totoong buhay, isang empleyado ng Barangay Pitpitan’s Materials and Recovery Facility ang naarestong dog meat trader.

Ayon sa post ni Carla, nasa isang dosenang aso na nakapasok sa sako ang na-recover ng mga otoridad mula sa dala-dala nitong baranggay vehicle.

Ang nahuling dog meat trader ay haharap sa kaso ng Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act as amended by RA 10631.

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment at sumaludo sa ginawa ng Animal Kingdom Foundation o AKF.

“I hope everyone who does these things gets punished,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Thank you AKF. Hoping that you always continue your advocacy helping the voiceless animals and the subject who did the activities/y of dog meat trader and animal cruelty will face their consequences not only now but every time there were such kind of activities because animals are voiceless and they need also protection from human being and give value to them ..they deserve good treatment from us.”

“Sana talaga bigyan halaga yun batas para sa mga hayop pairalin nila sa lahat ng oras at wag makisabwatan o madaan sa lagay tapos papalusutin na sa mga maling gawain o papalayain na. Nakakaawa mga furbabies,” sey pa ng isa.

Babala ni Carla, nawa’y magsilbing aral ito para sa mga iba bang mga dog meat traders na gumagawa ng mga illegal na gawain gaya ng pagkatay sa mga hayop.

“AKF will make sure that we’ll get justice for all the his voiceless victims. Let this be a warning to all dog meat traders out there. It won’t be long ‘til we get to you,” paninigurado ng Kapuso actress.

Isa si Carla sa mga kilalang personalidad na talagang mahilig mag-alaga ng mga hayop.

Sa katunayan, bukod sa pagiging fur parent ay parte rin ng kanyang adbokasiya na pangalagaan at protektahan ang mga hayop laban sa anumang uri ng pananakit o pang-aabuso.

Related Chika:
Yassi nag-birthday kasama ang mga aso’t pusa: My heart is so, so full!

Carla Abellana hindi pa pwedeng gamitin ang tunay na apelyido ni Tom Rodriguez

Jona wala pa ring dyowa; busy sa pagliligtas, pag-aalaga ng mga aso’t pusa

Read more...