Jane de Leon kinarir ang 'training' para ma-perfect ang pagsigaw ng 'Darnaaaa!!!' | Bandera

Jane de Leon kinarir ang ‘training’ para ma-perfect ang pagsigaw ng ‘Darnaaaa!!!’

Ervin Santiago |August 16,2022
facebook
share this

Jane de Leon kinarir ang ‘training’ para ma-perfect ang pagsigaw ng ‘Darnaaaa!!!’

Ervin Santiago - August 16, 2022 - 08:16 AM

Jane de Leon

SA lahat ng mga nagtatanong kung boses nga ba talaga ni Jane de Leon ang ginamit sa pagsigaw nito ng “Darnaaaa!!!”, diretsahang sinagot yan ng aktres sa nakaraang grand mediacon ng “Mars Ravelo’s Darna”.

Nagsimula na kahapon ang muling paglipad ni Darna sa ABS-CBN at tulad ng inaasahan, talagang inabangan at sinubaybayan ito ng madlang pipol.

Ipinakilala sa bagong action-adventure series ng Kapamilya Network ang ilan sa mga pangunahing tauhan sa kuwento kabilang na nga ang mga karakter nina Jane as Narda, Iza Calzado, bilang nanay ni Narda, Zaijian Jaranilla, Joshua Garcia at iba pa.

Pero knows n’yo ba na bukod nga sa matinding training at acting workshop na pinagdaanan ni Jane para sa pagganap bilang ang iconic Pinay superhero na si Darna, talagang pinaghandaan din niya ang pagsubo ng mahiwagang bato at pagsigaw ng “Darnaaaa!!!”

May mga chika kasi noon na baka raw gamitin ang boses ng mga biriterang sina Jona, Angeline Quinto at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa pagsigaw ni Jane sa “Darna.”

Ngunit sabi ng aktres, “Ako po talaga ‘yung sumigaw nu’n. Pinagpraktisan ko po yun sa bahay pati sa banyo.”

View this post on Instagram

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


Kinarir daw talaga niya ang vocalization process para maibigay niya ang kailangang timbre at lakas ng pagsigaw bilang Darna.

“Matagal rin (practice). Kasi ang kasama ko riyan ang kapatid ko. Sabi ko, ‘kuya ayos lang ba ang sigaw ko tapos sinasabi niya sa akin kung maganda, kung kailangan babaan tapos ayun nag recording na po ako,” kuwento ni Jane.

“Gusto po talaga nila na ako ang sumigaw kaya sabi ko po kay Ate Regs kanina (sa Magandang Buhay) na pressure rin kasi from ate Regine Velasquez, this time ikaw na. Buti na lang nagawa ko siya from how many times ko siya inaral,” sabi ng dalaga.

Nabalita kasi noon na ang boses ni Regine ang ginamit sa “Darna” nina Angel Locsin at Marian Rivera.
https://bandera.inquirer.net/321157/jane-de-leon-umamin-sa-totoo-lang-po-hindi-ko-rin-alam-kung-bakit-ako-ang-napiling-darna

https://bandera.inquirer.net/315103/jane-de-leon-handang-handa-nang-makipagbakbakan-kay-janella-salvador-sa-darna-magtutuos-na-kami

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/321453/joshua-umamin-na-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-jane-mabait-siya-maganda-matalino-napakagaan-niyang-kasama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending