AJ Raval natupad na ang pangarap maging action star tulad ng ama: Siya po ang unang beses na nagpahawak sa akin ng baril | Bandera

AJ Raval natupad na ang pangarap maging action star tulad ng ama: Siya po ang unang beses na nagpahawak sa akin ng baril

Ervin Santiago |August 15,2022
facebook
share this

AJ Raval natupad na ang pangarap maging action star tulad ng ama: Siya po ang unang beses na nagpahawak sa akin ng baril

Ervin Santiago - August 15, 2022 - 08:07 AM

AJ Raval at Kiko Estrada

NATUPAD na rin sa wakas ang isa sa matagal nang pinapangarap ng sexy star na si AJ Raval — yan ay ang masundan ang yapak ng amang si Jeric Raval bilang action star.

Si AJ ang bida sa bagong Vivamax movie na “Sitio Diablo” kung saan maipakikita nga ng dalaga ang galing sa pag-aaksyon na namana niya sa kanyang tatay.

Sabi ng rumored girlfriend ni Aljur Abrenica, bata pa lang siya ay talagang gusto na niyang maging action star tulad ni Jeric.

“Okay po ako sa mga action scenes na ginawa ko dito. Tsaka gusto ko po talagang i-push na maging ation star,” pahayag ng aktres sa naganap na virtual presscon ng pinakabagong action movie ng Vivamax.

Chika pa ng dalaga, “Bata pa lang po kasi ako tinuturuan na po akong mag-aksyon, eh. Tinuturuan niya (Jeric) akong sumipa nang mataas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


“Siya rin po ang unang beses na nagpahawak sa akin ng baril, yung mga ganu’ng bagay. Tinuturuan po niya ako nang tamang pag-handle ng baril, ng mga knife,” pagbabahagi pa ni AJ.

“Actually, dream ko po talaga ang mag-action. Nag-i-start pa lang po ako sa showbiz, dream ko na so happy naman po ako na nakagawa kami ng ganitong klase ng pelikula,” pahayag ni AJ.

Natanong din ang Vivamax sexy star kung ang “Sitio Diablo” ba ang dahilan kaya inayawan niya ang “Scorpio Nights 3” na napunta nga sa isa pang palabang aktres na si Christine Bermas?

“Maganda na rin po na napunta kay Christine ‘yon, na ipinalit sa akin si Christine Bermas. Happy naman po ako na sa kanya napunta ‘yung project.

“Siguro po, para sa akin tapos na rin po ako siguro sa phase nung nag-i-start pa lang ako, nagse-sexy. Siguro time na rin naman po para magbigay po sa ibang tao,” paliwanag niya.

Siyempre, kapag action movie, hindi talaga mawawala ang love scenes at dito raw sa “Sitio Diablo” naging challenge din kay AJ ang maiinit na intimate scenes nila ni Kiko Estrada na first time niyang nakatrabaho.

“’Yung love scene po namin ni Kiko kasi umabot po kami sa point na napaso po ako ng sigarilyo. Nagkaroon po ako ng mga pasa sa katawan kasi first time po yata ni Kiko na makipag-love scene nang ganoon,” kuwento ni AJ.

Samantala, nagkuwento naman ang direktor ng pelikula na si Roman Perez, Jr. tungkol sa naging karanasan nila sa pagsu-shooting ng “Sitio Diablo” sa Baseco at Smokey Mountain sa Tondo.

“Nagkagulo ang buong Baseco at saka Smokey Mountain. Guguho talaga yung Smokey Mountain kapag nakita nila si AJ. Sobrang hirap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mga 2,000 tao ang humarap sa amin. Hindi namin mga kilala. Mga batang hubo’t-hubad, mga basurero, mga mangangalakal,” chika pa ni Direk Roman

Jeric Raval umabot sa 18 ang anak mula sa 6 na babae; pangarap maging rapper noon tulad ni Francis M

Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit

Pangarap ni Ice Seguerra na makapagdirek natupad na: Sa totoo lang, akala ko hindi na magkakatotoo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending