Lea Salonga nagbigay pugay kay Cherie Gil: You were one of a kind Bandera

Lea Salonga nagbigay pugay kay Cherie Gil: You were one of a kind

Therese Arceo |August 09,2022
share this

Lea Salonga nagbigay pugay kay Cherie Gil: You were one of a kind

Therese Arceo - August 09, 2022 - 07:18 PM

Lea Salonga nagbigay pugay kay Cherie Gil: You were one of a kind

ISA si Lea Salonga sa mga nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng isa sa mga batikang aktres sa industriya na si Cherie Gil.

Nitong Lunes, Agosto 8, ibinahagi ng award winning singer-actress ang larawan ng batikang aktres kalakip ang mensahe ng pagbibigay pugay nito sa namayapang kasamahan.

“Two of the shows I got to see her in. How she disappeared into whatever role (or as in the case of Angels in America, roles) she played. How her presence was so strong, and yet so human. But she shone the brightest when she was just being herself,” saad ni Lea.

Dagdag pa niya, “You were one of a kind, Cherie, and I’ll never forget you.”

Dalawang larawan ni Cherie ang ibinahagi ni Lea sa kanyang Instagram account.

Marami naman ang sumang-ayon sa mga sinabi ng Tony award winning singer patungkol sa beteranang aktres.

“‘But she shone the brightest when she was just being herself’. Sooo true. I’m still heartbroken. This is beautiful Ms. Lea,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “She is the sun amid the small stars. Thank you for your gift.”

“It’s just so sad that we will never get to see ger perform live anymore. How I wished to see the both of you in one show,” sey naman ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga)

Nag-comment rin sa post ni Lea ang kapatid ni Cheri na si Michael De Mesa.

Matatandaang noong Agosto 5 ay nagulat ang lahat nang mabalitaan kay Annabelle Rama ang pagkamatay ni Cherie Gil.

Ayon sa statement na inilabas ng kanyang pamilya na ay matapang nitong nilabanan ang sakit na cancer bago ito bawian ng buhay.

Bagamat walang proyektong pinagsamahan sina Lea at Cherie ay naging magkaibigan ang dalawa.

Related Chika:
Lea may tips sa mga gustong maging singer; Alden, Jennylyn wagi sa 2nd VP Choice Awards

Lea pinagsabihan ang mga ‘bida-bida’ na nag-uunahan sa pagpo-post ng ‘patay’ sa socmed

Aga, Lea nagkaisyu nga ba nang dahil sa pagpanaw ni Raymund Isaac?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending