Bagong Miss United Continents Camelle Mercado sa Bb. Pilipinas sana sasali | Bandera

Bagong Miss United Continents Camelle Mercado sa Bb. Pilipinas sana sasali

Armin P. Adina - August 09, 2022 - 05:45 PM

Camelle Mercado

Bago hinirang na Miss United Continents sa Ecuador, papuri na ang tinanggap ni Camelle Mercado (nakaupo) mula sa national director na si Jeslyn Santos, na nagwagi noong 2016./ARMIN P. ADINA

WALA sa plano ni Camelle Mercado ang paglipad sa Ecuador upang sumali sa Miss Continentes Unidos (Miss United Continents) nang nagsimula ang 2022. Ngunit ngayon, nakamit na niya ang pandaigdigang korona makaraang daigin ang 24 kalahok mula sa iba’t ibang bansa sa patimpalak na idinaos sa lungsod ng Portoviejo noong Agosto 6 (Agosto 7 sa Maynila).

Hinain na ni Mercado ang aplikasyon niya para sa 2022 Binibining Pilipinas pageant nang, noong pauwi na siya, ay tinawagan siya ni Miss United Continents Philippines National Director Jeslyn Santos.

Tinanong siya ni Santos, na siya ring unang Miss United Continents mula sa Pilipinas at Asya, kung nais niyang katawanin ang Pilipinas sa 16-taong-gulang na pandaigdigang patimpalak sa Ecuador. Sinabi ni Mercado na ilang araw muna niyang pinag-isipan ang gagawing pasya bago pumayag.

At ngayong nasungkit na ni Mercado ang titulong minsan niyang hinawakan, nakahinga nang mlauwag si Santos na naging sulit ang paghikayat niya sa Kapampangang reyna. “This means a lot, we brought back the crown to the Philippines! I could say that this win is really a sweet one knowing that I was guided by the late ‘Tito’ John De La Vega (mentor niya at dating national director),” sinabi niya sa Inquirer sa isang online interview.

Pinaulanan din ni Santos ng papuri ang bagong reyna: “Camelle was so confident. Her determination made her win! She’s easy to work with because of how dedicated she is to her goal.”

“What made me calm and confident was the time she delivered her speech, that sealed the deal for me. She was flawless and natural. I told myself, ‘this is ours, the crown is ours.’ It seems like a flashback of what happened in 2016,” pagpapatuloy niya.

“I delivered my answer in Spanish, got the crown and that also happened to Camelle, same story. I am really happy and proud her victory!” binahagi pa ni Santos.

Sa talumpati niya, gumamit si Mercado ng Ingles at ang pangunahing wika ng patimpalak na Kastila.

Sa pagwawagi ni Mercado, napipagpatuloy din niya ang pamamayagpag ng “appointed beauties” sa pandaigdigang entablado.

Hand-picked na mga kinatawan ng Pilipinas sina 2020 Miss Aura International Alexandra Faith Garcia at 2021 Miss Global Shane Tormes, na mga dating kalahok sa Bb. Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending