Tom Rodriguez bumuwelta sa basher na nakisawsaw sa breakup nila ni Carla Abellana: Naliligaw po yata kayo... | Bandera

Tom Rodriguez bumuwelta sa basher na nakisawsaw sa breakup nila ni Carla Abellana: Naliligaw po yata kayo…

Ervin Santiago |August 08,2022
facebook
share this

Tom Rodriguez bumuwelta sa basher na nakisawsaw sa breakup nila ni Carla Abellana: Naliligaw po yata kayo…

Ervin Santiago - August 08, 2022 - 12:32 PM

Tom Rodriguez at Carla Abellana

HINDI pinalampas ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez ang naging komento ng isang netizen tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang estranged wife na si Carla Abellana.

Makalipas ang ilang buwang pamamahinga at pag-iwas sa pang-iintriga ng mga Marites, nagiging aktibo na muli ang aktor sa mundo ng social media.

Nasa Arizona, USA pa rin ngayon ang estranged husband ni Carla kasama ang kanyang pamilya at mukhang wala pa itong balak bumalik sa Pilipinas.

Nitong nagdaang weekend, muling nagparamdam si Tom sa kanyang socmed followers kung saan nagbahagi siya ng positive and inspiring message.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)


Kahapon ng umaga, nag-post ang Kapuso star sa kanyang Instagram account ng isang short video kung saan makikita siyang nakahubad habang nagpapaaraw sa veranda ng kanilang bahay.

Aniya sa caption, “Great day to be alive indeed! Wishing everyone a blissful day…You hold the power to make your day however you choose…make it a positive one.”

Nauna rito, nag-post din siya ng isang video clip habang nagpi-piano, “Music has got to be one of the best and free ways I’ve found to self soothe. Not much of a piano player, but it was fun trying to find my own way to play this John Mayer song.”

May mga nagsabing nami-miss na nila ang aktor at patuloy daw silang nagdarasal na sana’y magkaayos na sila ni Carla at kung talagang wala nang pag-asa na magkabalikan sila, sana raw ay mapanatili pa rin nila ang kanilang pagkakaibigan.

Pero may ilan pa ring netizens ang nambasag kay Tom, tulad ng dalawang IG users na nag-comment tungkol sa breakup nila ni Carla.

Sabi ng isang netizen, “Move on…now alam mo nang madaling bumitaw be thankful…

“Wag kasi kayo maghanap ng babaeng maganda at successful hahaha kasi nasobrahan sila ng feeling strong and empowerment,” sabi pa nito kay Tom.

Hirit pa nito sa aktor, “Kaya dapat marunong magpatawad at makalimot unless sobrang daming beses ng ginagawa don ka na wag magpatawad.”

Sagot naman ni Tom sa kanya, “Let’s refrain na lang po mam from shaming others in this platform.

“Already so much of that going around in the world… let’s cultivate some positive vibes,” anang aktor.

Pero binasag nga ng isa pang netizen ang nagtanggol kay Tom, “Don’t insinuate that it’s the woman’s fault and fragility to hold on to the relationship and don’t give up.

“Blame the machism of the man instead. That’s victim blaming. Pathetic,” sey ng netizen.

Bwelta sa kanya ng Kapuso star, “Naliligaw po ata kayo with your soapbox, speaking of other people’s lives who’s contexts you know none of… perhaps you can tend to cleaning your own room instead? Have a great day.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Tom at Carla noong October 23, 2021 pero pagsapit ng January, 2022 lumabas na nga ang balita na naghiwalay na sila. Sa ngayon, inaasikaso na nila ang annulment ng kanilang kasal.

Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Tom Rodriguez ginigipit nga ba ng kampo ni Carla Abellana?

Lolit nabigla sa akusasyon ni Carla kay Tom: Hope for the best na lang tayo para sa dalawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending