Garrett Bolden walang planong mag-audition sa Miss Saigon pero napili para sa role na John Thomas: Guam here I come!
HINDI pinlano ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden ang pagsali sa audition ng international classic hit musicale na si “Miss Saigon”.
Itinuturing ni Garrett na dream come true ang makapasa sa audition at mapabilang sa bagong cast members ng “Miss Saigon” sa Guam.
Nakuha ang “The Clash” graduate sa nasabing stage musicale para sa papel ni John Thomas. Sa darating na September na magsisimula ang Guam tour ng “Miss Saigon” ayon sa Kapuso singer.
“Actually po ‘yung journey ko in auditioning for ‘Miss Saigon’ is really unexpected. I didn’t plan on auditioning.
“Nagkataon po na a friend of mine, sinabi niya sa akin na there’s an audition they do, theater, which is something po na pinakabago sa akin.
“Although I did theater before, that was in high school. Pero ‘yung talagang experience on a professional level, parang this is going to be my first,” pahayag ni Garrett.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, ang kantang “Bui Doi” ang kinanta niya sa audition na ang ibig sabihin ay “dust of life.” Ang “Bui Doi” ay ginamit sa “Miss Saigon” na tumutukoy sa anak ng sundalong Amerikano sa Vietnamese na inabandona sa pagtatapos ng Vietnam War.
Ani Garrett, hindi pa niya masyadong kabisado ang kanta nang mag-audition kaya talagang tumitingin pa siya sa lyrics habang kinakanta ito.
“Pero talaga po kasi first time kong narinig ‘yung song, which is also ‘yung in-audition piece ko, ‘yung ‘Bui Doi.’ It actually hit me somewhere din kasi the song is very relatable para sa akin. I had this time din before na I was looking for my real dad.
“Feeling ko po ‘yung naibigay kong feelings doon sa audition song po na iyon which is ‘Bui Doi,’ siguro po ‘yun po ‘yung naging way para ma-consider nila ako for the next stage of auditions,” ani Garrett na isa ring anak ng GI. Pumanaw ang tatay niya two years ago.
Pagpapatuloy pa niyang kuwento sa kanyang audition journey, “And then until nitong last month they finally told me that ‘Yeah, you’re going to do the role. Can you come to Guam and perform with us?'”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nakaalis na ng Pilipinas si Garrett para sumailalim sa training at rehearsals na tatagal ng isang buwan kasama ang iba pang cast ng “Miss Saigon” sa Guam.
https://bandera.inquirer.net/319819/the-clash-graduate-garrett-bolden-pasok-sa-cast-ng-miss-saigon-ending-ng-raising-mamay-inaabangan-na
https://bandera.inquirer.net/302019/andrew-e-never-nakaranas-ng-sexual-harassment-hindi-naman-kasi-ako-katuksu-tukso
https://bandera.inquirer.net/317619/kz-tandingan-laging-nganga-noon-sa-mga-audition-binigyan-ng-ultimatum-ang-sarili-nang-sumali-sa-x-factor-ph
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.