Elle Villanueva tumodo sa halikan at love scene; pasabog na trailer ng 'Return To Paradise' naka-2M views na | Bandera

Elle Villanueva tumodo sa halikan at love scene; pasabog na trailer ng ‘Return To Paradise’ naka-2M views na

Ervin Santiago |August 07,2022
facebook
share this

Elle Villanueva tumodo sa halikan at love scene; pasabog na trailer ng ‘Return To Paradise’ naka-2M views na

Ervin Santiago - August 07, 2022 - 06:49 AM

Elle Villanueva at Derrick Monasterio

BONGGA! Humakot na pala ng mahigit two million views ang full trailer ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na “Return To Paradise” sa Facebook.

Bukod sa two million views, libu-libong comments din ang nakuha ng two-minute trailer ng Kapuso series sa official Facebook page ng GMA Drama na ipinalabas noong Linggo, July 31.

Pinagbibidahan ito nina Kapuso stars Derrick Monasterio na gumaganap bilang Red Ramos at Elle Villanueva as Eden Santa Maria with the award-winning actress Eula Valdes playing Amanda Santa Maria.

Sa trailer, mapapanood ang isang trahedya na babago sa buhay nina Red, ang school jock at campus heartthrob, at Eden, ang sporty raketera na pinatapang ng mga pinagdaanan sa buhay. Ipinakita rin dito ang mahuhusay at batikang mga aktor ng serye.

Samantala, ang “Return To Paradise” ang first lead role ni Elle sa isang teleserye kaya naman talagang ibinigay niya lahat para mabigyan niya ng hustisya ang kanyang role.

Kabilang na nga riyan ang pagsabak niya sa pakikipaghalikan at love scenes with her leading man Derrick Monasterio na game na game rin sa mga maiinit na eksena nila sa beach.
“’Yung mga daring scene, ‘yung pagpapakita ng skin, ‘yung kissing scene, first time kong as in todo-todo magwala onscreen.

“Wala na akong paki sa paligid ko kung anuman itsura ko, as in, ilalabas ko na lahat. ‘Yung sa before na teleserye ko, more on minimal acting. They want na parang composed pa rin, but this time they want it really big.

“First time ko rin mag-shoot sa beach which is very fun and challenging kasi ang hirap mag-shoot sa outdoors lalo na sa beach,” pahayag ng Kapuso sexy star sa ginanap na virtual mediacon ng “Return To Paradise” kamakailan.

Dagdag pa niya, “Napakaraming challenges dito sa teleserye na ito and I’m really grateful to be a part of this kasi ang saya. Ang saya ma-experience lahat. Nakakapanibago siya pero masaya.”

Kasama rin sa cast ng “Return To Paradise” sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, at Allen Dizon, sa direksyon ni Don Michael Perez.

Napapanood ang seryeng pampainit sa maulang hapon mula  Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime ng GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Derrick Monasterio, Elle Villanueva parehong palaban sa hubaran; magpapainit sa ‘Return To Paradise’

Eula sa paulit-ulit na role bilang inang nawawala ang anak: Walang maliit na role, nasa ‘yo na kung paano mo gagawing special

Hirit ni Kiray, dapat ‘P500k above’ ang engagement ring na ibibigay ng dyowa: May trabaho naman siya kaya galingan niya, ‘no?!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending