Juliana Parizcova nagpatutsada sa 'Katips', Johnrey Rivas rumesbak: Kayo na po blockbuster! Bandera

Juliana Parizcova nagpatutsada sa ‘Katips’, Johnrey Rivas rumesbak: Kayo na po blockbuster!

Therese Arceo |August 04,2022
share this

Juliana Parizcova nagpatutsada sa ‘Katips’, Johnrey Rivas rumesbak: Kayo na po blockbuster!

Therese Arceo August 04, 2022 - 05:31 PM

Juliana Parizcova nagpatutsada sa 'Katips', Johnrey Rivas rumesbak: Kayo na po blockbuster!
SINAGOT ni Johnrey Rivas, Best Supporting Actor sa naganap na 70th FAMAS Awards ang patutsada ni Miss Q&A Juliana Parizcova Segovia sa pagkukumpara ng pila ng manonood sa pelikulang “Katips” at “Maid in Malacañang”.

Matatandaang kahapon ay nag-post ang komedyante sa kanyang Facebook page ng mga larawan na kuha mula sa sinehan sa Quezon City kung saan ipinakita niya na marami ang nakapila sa “Maid in Malacañang” habang wala namang tao sa sinehan ng “Katips”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝙅𝙊𝙃𝙉𝙍𝙀𝙔 𝙍𝙄𝙑𝘼𝙎 🇵🇭 (@jreyrivas)

“Ah ok,” maikling caption ni Juliana sa kanyang post.

Hindi naman na nakapagpigil ang isa sa cast na si Johnrey at tuluyan na ngang tinawag ang pansin ng komedyante.

“Ngayon lang ako magsasalita. Hi Babe Juliana Parizcova Segovia, Paano walang nakapila eh magkaiba ng timeslot yan?” saad niya sa kanyang Facebook post.

Tila nagtataka rin si Johnrey kung bakit tila naka-uniform ang mga taga-sinehan ng “Maid in Malacañang” t-shirts at may chika rin na may libreng t-shirts ang mga manonood ng pelikula.

“My friends and family. Tanong ko lang din po. Bakit ang uniform ng buong Cinemas sa lahat ng bansa ay MIM? Hahaha daming pera ha. Sorry mahirap lang po kami. Pasensiya na po. Kayo na po Blockbuster! Labyu! Mim!” dagdag pa niya.

Matatandaang may mga netizens ang nag-upload ng larawan ng staff ng sinehan sa isang mall ang nakasuot ng kulay itim na damit na may nakasulat na “Maid in Malacañang”.

Ngunit kahit na raw ganoon ang ginagawa ng iba gaya ni Juliana ay masaya pa rin ang aktor dahil muli na namang nabubuhay ang sigla sa mga sinehan.

“Pero kahit na mabardagul po kayo, salamat pa rin dahil buhay ang pelikulang Pilipino! #KatipsTheMovie #KatipsMovie,” sey pa ni Johnrey.

Samantala, wala pa namang pahayag si Juliana sa post ng “Katips” Best Supporting Actor.

Related Chika:
Johnrey Rivas, ang aktor na tumalo kina John Arcilla at Mon Confiado sa FAMAS; naghubo’t hubad sa ‘Katips’

Juliana Parizcova Segovia pumalag sa kumakalat na post na ukol sa utang niyang P300k: Hindi ko po ikinakahiya

Juliana Parizcova Segovia may bwelta sa kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending