Rufa Mae napaiyak habang lumilindol: Feel na feel ko ang mala-horror experience sa loob ng condo namin! | Bandera

Rufa Mae napaiyak habang lumilindol: Feel na feel ko ang mala-horror experience sa loob ng condo namin!

Alex Brosas - August 01, 2022 - 08:05 AM

Rufa Mae Quinto

ISA si Rufa Mae Quinto sa mga celebrities na naka-experience sa magnitude 7 na lindol recently.

Sa kanyang Instagram page, ipinakita niya ang kanyang bonggang chandelier na nag-swing dahil sa lindol.

“My chandelier, nag swing sila ng bonggang bonggga, na buhol na sila dahil sa earthquake.

“I pray so hard kanina habang lumilindol.

“Nasa mataas na building kami Kaya feel na feel ko ang mala horror experience sa loob ng condo namin parang inuga ang Lahat, pinto parang mabubuwal and more.

“Shock pa din ako na Napaiyak. Iba pa ang kwento ng elevator at fire exit,” say niya sa caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)


“Gusto ko Lang Kamustahin ang Lahat and kung May Kailangan ng help help hooray, Andito Lang po ako at ang @sendwaveapp! Go go go with Love,” dagdag pa niya.

Marami ang natuwa na safe and sound si Rufa Mae.

“Sorry po pero naririnig ko boses niyo habang binabasa ko post niyo. The way kayo magsalita Ganon po pano ko basahin. bakit Ganon?  Keeps afe always po. Don po sa province namin sa Abra grabe po ang earthquake don 7 magnitude.”

“Good to know you’re safe, Peachy. Same sa condo kanina. Nakalma ako sa help help hooray!”

“Good to know ate @rufamaequinto youre safe ate..god is always with you ate.. Isipin mo nlng lakas makashala ng chandelier mo..ingat always ate.”

“BE READY ALWAYS PEACHY WAG MATARANTA PARA ALAM MO GAGAWIN MO BE SAFE LALOT CONDO KAU GOD BLESS.”

Matatandaang niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Lagangilang sa Abra noong July 27 na naramdaman din sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), eksaktong 8:43 nang umaga nang matukoy ang epicenter ng lindol sa Lagangilang, Abra, na may “tectonic” na origin. Naitala naman ang Intensity IV o “moderately strong” sa ilang bahagi ng Metro Manila, ayon sa Phivolcs.

Read more: https://bandera.inquirer.net/319855/abra-niyanig-ng-magnitude-7-3-na-lindol-naramdaman-din-sa-ncr-iba-pang-bahagi-ng-luzon#ixzz7afNLHEh4
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

https://bandera.inquirer.net/319924/janno-gibbs-ramdam-na-ramdam-ang-lindol-sa-la-union-sunshine-guimary-naiyak-na-trauma

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/319855/abra-niyanig-ng-magnitude-7-3-na-lindol-naramdaman-din-sa-ncr-iba-pang-bahagi-ng-luzon
https://bandera.inquirer.net/319902/kim-chiu-nai-video-ang-malakas-na-paglindol-oh-my-gosh-oh-my-gosh-im-scared

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending