Sheryn Regis pinayuhan ni Cristy Fermin sa pagiging ‘PDA’ sa dyowa: Decency!
PINAYUHAN ni Nanay Cristy Fermin ang mahusay na mang-aawit na si Sheryn Regis na may karelasyong miyembro ng LGBTQ plus na si Mel De Guia.
Ayon kay Romel ay malaking babae si Mel na inakalang basketball player at volleyball player naman ni ‘nay Cristy.
“Tanggap na tanggap na ng ating lipunan ang mga beki at ang tibo,” saad ng SNN host.
Dagdag din ni Romel, “At saka nu’ng umamin siya (Sheryn) wala siyang narinig na pangit dahil naintindihan siya.”
Say din ni Morly, “Nagtatagal ang relasyon kung pareho kayong dalawa kagaya ng gays o pareho kayong tiborsya.”
Totoong walang naging problema sa parte ni Sheryn nang mag-OUT siya at masasabing perfect timing dahil open na sa bansa ang LGBTQ.
Pero ang tanging payo ng batikang manunulat, “kaya lang ang dami kong naririnig na kapag nasa pampublikong lugar itong si Sheryn saka itong si Mel ay (sabay tingin kay Romel).”
“Napaka-showy nila, mayroon silang naghahalikan masyado silang public display, PDA,” say ng isa sa host ng SNN.
View this post on Instagram
Dagdag pa, “naintindihan naming magka-relasyon na sila, alam naman namin ang ginagawa nila sa kuwarto na, pero kasi kung (public places) maraming nakakapanood na mga bata, di ba?
Hirit ni nanay Cristy, “maging sa vlog nila ang daming pumapansin! May mga bashers maaring hindi diretso sa kanila pero pinagkukuwentuhan sila.
“Si Sheryn, tanggap na namin na tibo ka at tibo ang karelasyon mo, tanggap na namin na babae sa babae ang relasyon n’yo. Kung diyan kayo maligaya, go!
“Pero sana maglaan naman kayo ng kaunting ka-pribaduhan kapag nasa public places kayo.”
Sabi naman ni Morly, “una sa lahat kasi maraming mga bata na akala nila ay’yan okay ‘yan.’ Hindi pa kasi nila alam kung ano talaga ‘yung gender nila. Minsan sa totoo lang nakaka-apekto rin ang mga napapanood natin.
“Siguro humihingi lang ‘yung mga kababayan natin ng kaunting ka-disentehan at ‘yun naman ay magmumula na rin dapat sa atin.
“Kapag nasa public eye tayo dapat alam n’yo kung ano ang nararamdaman ninyo sa isa’t isa. May pribadong lugar para diyan, bahay n’yo, kuwarto n’yo. Public figure kasi si Sheryn Regis,” paliwanag ni ‘nay Cristy.
Sabi ulit ng online host, “Decency. Sabi nga ng iba, ‘naku kung ganyan ang ginagawa paano pa kaya in private? ‘Yun lang naman ‘yun. Pero walang mali sa damdamin ni Sheryn kahit ni Mel, mauunawaan ‘yan ng publiko dahil alam naming diyan kayo maligaya at sabi nga natin hindi dapat pansinin ang sinasabi ng iba kung hindi makagaganda sa relasyon.
“Agree kami diyan, pero sana Pilipino pa rin tayo hindi pa rin bukas mga Ineng ang komonidad. Tanggap lang ang ganyan pero hindi pa bukas makakita ang ganyang pag-uugali sa publiko.”
Mapapanood ang buong kuwento sa “Showbiz Now Na” YouTube channel.
Related Chika:
Sheryn Regis naiyak sa Showtime; may ‘hugot’ sa pag-ibig?
Sheryn Regis umamin na sa relasyon nila ni Mel de Guia; binati ni Ice Seguerra
Sheryn Regis nag-asawa’t nagkaanak: Pero alam kong babae talaga ang gusto ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.