MULI na namang bumanat ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ukol sa usaping “ghosting”.
Usap-usapan kasi ang topic na ito matapos maghain ng panukala si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ng House Bill 611 na nagdedeklara sa ghosting bilang emotional offense.
Ilang araw na rin itong usap-usapan sa social media at maging si Manay Lolit mga ay nagbigay na ng pahayag ukol dito at dinamay pa ang kanyang “paboritong” artista na si Bea Alonzo.
Sa kanyang Instagram page ay isa na naman ang aktres sa naging sentro ng kanyang post.
“Natatawa ako na magkakaruon ng anti ghosting bill, Salve. Kaloka na ang magiging number 1 example nito si Bea Alonzo, hah hah hah,” panimula ni Manay Lolit.
Aniya, sa tuwing mapg-uusapan daw ang ghosting at sa bawat magko-complain ay ang aktres ang agad na papasok sa isipan ng mga tao.
Ngunit hindi naman daw tama kung ang sasabihin lang na may kasalanan ay ang taong nang-ghost.
“Teka, hindi ba unfair din lalabas kung ang sasabihin mong may kasalanan lang iyon nang ghosting ? Hindi ba dapat din malaman bakit siya na ghosting ? Baka naman talagang gusto ng iwanan pero ayaw pa bumitiw, iniiwan na naghahabol pa,” pagpapatuloy ni Manay Lolit.
Dagdag pa niya, hindi naman daw siguro isang tao lang ang may kasalanan sa isyu ng ghosting.
“Hindi naman siguro isa lang ang may sala, it takes two to tango, so, pag na ghosting ka, ibig sabihin may dahilan. Tanggapin mo na pag ayaw na sa iyo, huwag ng masyado pang ipilit pag ayaw na,” hirit ni Manay Lolit.
Dito nga ay ginawa niya g halimbawa ang nangyari sa dating relasyon nina Bea at Gerald Anderson.
“Like sa kaso ni Bea Alonzo, twice iniwan, may something na, kaya dapat accept na. Parang humahabol pa kaya nagiging issue. Bye bye na pag no more love, huwag na ipilit,” talak pa ni Manay Lolit.
Matatandaang sinabi noon ni Bea na na-ghost siya ni Gerald dahil bigla na lang siya nitong hindi kinausap.
Samantala, nagsimula ang madalas na patutsada ni Manay Lolit sa aktres nang bigla na lang nitong ipatanggal ng kampo ng aktres sa listahan ng mga invited guests ang pangalan niya.
Buhat nang mangyari ito ay madalas na ang mga tirada ng talent manager at kolumnista sa aktres.
Tahimik naman si Bea ukol sa isyu at maging ang kaniyang talent manager na si Shirley Kuan.
Related Chika:
Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson
Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’
Lolit ayaw tantanan si Bea: Ewan ko ba kung bakit hindi na mukhang fresh at yummy