Awra Briguela feeling sad sa nalalapit na pagtatapos ng 'Ang Probinsyano': Sobrang daming taong maaapektuhan... | Bandera

Awra Briguela feeling sad sa nalalapit na pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano’: Sobrang daming taong maaapektuhan…

Ervin Santiago |July 26,2022
facebook
share this

Awra Briguela feeling sad sa nalalapit na pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano’: Sobrang daming taong maaapektuhan…

Ervin Santiago - July 26, 2022 - 07:23 AM

Awra Briguela at Coco Martin

Awra Briguela at Coco Martin

KAHIT matagal nang nawala sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ng ABS-CBN, nakaramdam pa rin ng lungkot si Awra Briguela sa nalalapit na pagtatapos nito.

Makalipas nga ang pitong taon, mamamaalam na ang action-drama series na pinagbibidahan ng Teleserye King na si Coco Martin.

Isa si Awra sa mga original cast members ng “Ang Probinsyano” kung saan una siyang nakilala ng madlang pipol bilang si Makmak, ang anak-anakan noon ni Cardo Dalisay na ginagampanan nga ni Coco.

Sa isang video ng Dreamscape Entertainment, nagpasalamat si Awra o McNeal Briguela sa totoong buhay, sa lahat supporters ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na hindi bumitaw sa programa mula nang magsimula ito noong 2015.

“Hindi lang naman ako ang nalulungkot. Sobrang daming supporters ang nalulungkot. Ang dami kong nakitang viral TikTok ngayon na ayaw mawala ang ‘Probinsyano’ kasi sobrang daming taong maaapektuhan,” simulang pahayag ni Awra.

Batambata pa noong pumasok ang karakter niyang si Makmak sa serye taong 2016 na naging daan nga para magkaroon siya ng magandang career sa showbiz.

“Super happy and thankful kasi without ‘Probinsyano’ wala ako ngayon. Hindi niyo ako kilala ngayon. Hindi niyo alam kung ano ang pinagbago ng buhay ko kung wala ang ‘Ang Probinsyano.’

“Si Kuya Coco talaga ang nilu-look up ko. Kasi hindi niyo po alam, never po akong nag-workshop, only in ‘Ang Probinsyano’ lang po ako natutong um-acting because of Kuya Coco. Tinutukan niya ‘yung acting ko, iba-ibang emotions,” lahad pa ni Awra.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


“‘Yung hindi ko makakalimutan kay Kuya Coco ay ‘yung kung paano ko siya naging kuya at tatay at the same time,” dugtong pa niya.

“Tinulungan niya po akong mag-aral, tinulungan niya po akong magkaroon ng scholarship. Naging iba po talaga ang lifestyle ko, sa school ko at sa lahat because of ‘Ang Probinsyano,'” ang chika pa ng Kapamilya youngstar.

May mensahe rin siya kay Coco para sa nalalapit na pagtatapos ng seryeng naging daan para marating ang estado niya ngayon sa entertainment industry.

“Congratulations, Kuya. For sure iba ang happiness mo ngayon. And siyempre Kuya, sobra-sobrang thank you kasi isa ka sa ginawang instrument ni God.

“Marami kaming nagbago ‘yung buhay dahil sa iyo. Kuya congrats and I miss you and love you Kuya Coco,” sey pa ni Awra.

Mapapanood ang finale ng “Ang Probinsyano” sa August 12 at papalitan naman ito ng “Mars Ravelo’s Darna” simula sa August 15 na pagbibidahan naman ni Jane de Leon na matagal ding naging bahagi rin ng “Ang Probinsyano.”

https://bandera.inquirer.net/290208/awra-briguela-super-proud-bilang-working-student-inalagaan-talaga-ako-nina-kuya-coco-at-ate-vice

https://bandera.inquirer.net/290067/awra-natakot-nang-tinawagan-ng-gma-inakala-na-scam-lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286506/awra-matagal-nanahimik-sa-socmed-nasa-point-pa-rin-ako-ngayon-na-naghi-heal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending