Angeli Khang babawasan ang paghuhubad sa harap ng camera kapag nagka-award na | Bandera

Angeli Khang babawasan ang paghuhubad sa harap ng camera kapag nagka-award na

Ervin Santiago |July 26,2022
facebook
share this

Angeli Khang babawasan ang paghuhubad sa harap ng camera kapag nagka-award na

Ervin Santiago - July 26, 2022 - 07:41 AM

Angeli Khang, Jamilla Obispo at Felix Roco

HINDI maipaliwanag ng tinaguriang Vivamax  Queen na si Angeli Khang kung bakit mabilis siyang umiyak kapag si Mac Alejandre ang kanyang direktor.

Muling nagsama sina Direk Mac at Angeli sa bagong original Vivamax sex-drama series na “Wag Mong Agawin Ang Akin” kung saan ka-join din sa cast sina Jamilla Obispo, Felix Roco at Arron Villaflor.

Si Direk Mac din ang nagdirek ng pelikula ni Angeli na “Silip sa Apoy” na isa pa rin sa mga most watched film sa Vivamax. Nakasama naman dito ng sexy actress sina Paulo Gumabao at Sid Lucero.

Sa kuwento ng “Wag Mong Agawin Ang Akin”, gaganap na mag-ina sina Angeli at Jamilla na pag-agawan ang karakter no Felix.

Ayon kay Angeli, talagang tinutukan ni Direk Mac ang bawat eksena niya sa series, “Sabi ko nga sa kanya one time, ‘Direk, ba’t ganu’n? Pagdating sa ‘yo, ang bilis kong makaiyak talaga. Ang bilis kong ma-all out yung mga acting ko, yung mga drama ko.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeli Khang (@angelikhang_)


“Kuhang-kuha niya yung mold ko as an artist. Nakikita niya talaga sa mata mo kapag napuputol ka na sa pag-a-acting. Talagang tina-try pa rin niya yung best niya na ulitin nang ulitin kahit na gabing-gabi na kami natatapos,” sey ng dalaga.

Bilib din daw siya sa akting na ipinakita nina Jamilla at Felix sa “Wag Mong Agawin Ang Akin”, “Close na kami ni Jamilla kasi nakasama ko na siya sa Mahjong Nights. Maalaga siya, parang motherly talaga kaya madali kaming nag-click.

“And kay Felix naman, every time na may eksena kami ni Felix, magkatitigan lang kami, nagtatawanan na kami kaagad. So, it’s hard to concentrate, but also happy na sobrang comfortable na namin sa isa’t isa.

“And kahit na sa mga sexy scenes, sa parts na sobrang seryoso, ang hirap na magseryoso. But when we got the scene, sobrang thankful sa amin ni Direk na ibang-iba. Kasi, iba pag comfortable ang kasama mo sa set,” chika pa niya.

Samantala, umaasa naman si Angeli na darating din ang araw na magiging pang-best actress din ang mga gagawin niyang pelikula. Kaya nga nagpapasalamat siya kay Direk Mac sa sinabi nitong magkaka-award siya very, very soon.

“Nasabi ko sa previous interviews na sana ma-lessen, o mag-lay low ako sa pagpapa-sexy. Pero naisip ko na I’m not even half of my acting career.

“I want to do my best and I want to say na pagdating ng panahon na I did that, I’ve got an award for that, and I did my best through out all of my career.

“And gusto ko muna sanang magkaroon ng award. Manifest na ito! Claim ko na! At pag may award na ako, I think du’n na ako siguro paunti-unti na magle-lay low sa pagpapa-sexy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero sa ngayon, hanggang kaya ko pang mailabas, hangga’t may body pa ako, dun ko ipapakita. Du’n ko io-all out,” aniya pa.

Felix Roco ayaw talagang maghubo’t hubad sa ‘Secrets’: I just did it para matapos na kaagad

Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!

Mac Alejandre walang dudang mananalo ng best actress si Angeli Khang: Malaki ang potential niya at ang attitude niya ay tama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending