'Raising Mamay' nina Shayne at Ai Ai marami pang pasabog sa huling 2 linggo; Kapuso viewers humiling agad ng book 2 | Bandera

‘Raising Mamay’ nina Shayne at Ai Ai marami pang pasabog sa huling 2 linggo; Kapuso viewers humiling agad ng book 2

Ervin Santiago |July 21,2022
facebook
share this

‘Raising Mamay’ nina Shayne at Ai Ai marami pang pasabog sa huling 2 linggo; Kapuso viewers humiling agad ng book 2

Ervin Santiago - July 21, 2022 - 07:22 AM

Antonio Aquitania, Ina Feleo, Valerie Concepcion, Gary Estrada, Shayne Sava, Ai Ai delas Alas at Abdul Raman

TODO-ABANG na ang Kapuso viewers sa mga makapigil-hiningang eksena sa last two weeks ng GMA Afternoon Prime series na “Raising Mamay.”

Dahil nga sa ganda ng istorya, request ng ilang Kapuso viewers sana raw ay ma-extend pa ang serye.
“May book 2 dapat kasi dito sa amin sa Cebu maraming nanunuod ng Raising Mamay. Maganda po at may aral kang matutunan sa istorya,” comment ng isang netizen.

Hangang-hanga rin sila sa walang-kupas na galing ni Ai Ai delas Alas bilang Mamay Letty sa pag-arte. Papuri ng isang viewer sa Comedy Queen, “Galing-galing ni Ms. Ai bagay sa kanya ang role. Sa bagay kahit ano pa ang ipagawa sa kanya, talagang magaling siyang aktres at comedian. I salute you.”

In fairness, talagang nagmamarka sa manonood ang mga linyahan ni Ai Ai sa “Raising Mamay” lalo na kapag kinakausap na niya ang kalaro niyang manika na si “Chinchin.”

Kuhang-kuha ni Ai Ai ang nuances at innocence ng isang bata na requirement sa kanyang character na may age regression.

Kaya naman hindi lang sa TV ratings patok ang nasabing serye kundi maging sa social media lagi rin itong viral.

Bukod kay Ai Ai, umaani rin ng papuri ang gumaganap na anak niya sa serye, ang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava bilang si Abigail o Abi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“‘Pag si Aiai na ‘yung magsasalita, super cute talaga s’ya. Ang galing n’ya na actress at, siyempre, magaling din si Abi.”

“Pagtapos ko ma-stress sa Apoy sa Langit, buti na lang magkasunod ‘to. Natawa na lang ako kay Mamay.”

Ilan lamang yan sa mga comments na nabasa namin sa social media patungkol sa “Raising Mamay.”

Mensahe naman ni Ai Ai, “Sobrang happy ako and thankful ako to God, sa mga Kapuso natin na patuloy na sinusuportahan ‘yung Raising Mamay at saka araw-araw pinapanood nila and praise God, praise the Lord na always na mataas ang ratings ng Raising Mamay.

“Nako, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat ng mga sumusuporta po d’yan,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman huwag nang bibitiw sa huling dalawang linggo ng serye sa GMA Afternoon Prime, weekdays, 3:25 p.m. sa GMA, pagkatapos ng “Apoy Sa Langit.”

Shayne Sava relate na relate sa mga hugot scenes sa ‘Raising Mamay’; may inamin tungkol kay Ai Ai

Shayne Sava ayaw na ayaw sa lalaking manloloko: Uso ang hiwalayan sa showbiz dahil sa cheating kaya dapat mag-ingat

Dimples nagluluksa sa pagpanaw ng lola: Hindi po ako handa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending