Herlene Budol proud na ibinandera ang pag-graduate sa college; inialay ang diploma sa yumaong lola
PROUD na ibinandera ng Kapuso comedienne at aspiring beauty queen na si Herlene Budol ang pinakabagong achievement niya sa buhay.
Yes, naka-graduate na nga sa kolehiyo ang dalaga sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management mula sa College of Saint John Paul II.
Sa kanyang Instagram account, ipinagmalaki ng komedyana sa publiko ang kanyang pagtatapos at inialay niya ito sa pinakamamahal niyang lolo at lola.
Ibinahagi ng isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2022 pageant ang kanyang graduation photos na may kalakip na mensahe ng pasasalamat sa lahat ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
“To my Nanay Bireng & Tatay Oreng, you both are the priceless blessing in my life. I wouldn’t be where I am today without your inspiration & support,” simulang mensahe niya sa IG
View this post on Instagram
“To my Papa Herber, Mama Weng & Mama lhen & Mama Tracy Pascual & my BUDOL Family for all your guidance. You all made my graduation more special,” dagdag na pahayag ni Hipon Girl.
Pinasalamatan din niya ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino at ang bago niyang BFF na si Madame Inutz na alaga rin ng talent management ni Wilbert.
At siyempre, special shoutout din sa kanyang mga fans, “To my KaSquammy Thank you for taking the time out & wishing my Graduation. love u all mga KaHiponatics at KaBudol ko dyan. To @sirwil75 & Ate @daisyinutz love u both to the moon & back!”
Nag-share rin si Herlene ng ilang photos at video na kuha sa kanilang commencement exercises. Um-attend siyempre ang lolo niyang si Tatay Oreng sa kanyang graduation ceremony na nagdala pa ng litrato ng yumao niyang lola na si Nanay.
“Thank you, Lord. Nanay, para sa ‘yo ‘to, para sa pamilya ko. Sir wilbert, salamat sa lahat. Sa school ko, College of Saint John Paul II, thank you so much,” sey ni Herlene sa isang video with matching flying kiss pa.
Nauna rito, agaw-eksena na naman ang Kapuso star sa naganap na national costume show ng Binibining Pilipinas 2022 pageant kamakailan. Inirampa niya rito ang kanyang Higantes Festival-inspired costume mula sa Angono, Rizal.
https://bandera.inquirer.net/314425/herlene-budol-binabatikos-ng-mga-netizens-i-love-the-duality
https://bandera.inquirer.net/304563/herlene-budol-hindi-kumita-sa-mga-naunang-vlogs-nakakalungkot-lang-isipin-kasi-kahit-kani-kanino-ako-nagtiwala
https://bandera.inquirer.net/298259/payo-ni-maris-sa-aspiring-content-creator-wag-maging-nega-gawin-mo-kung-ano-ang-gusto-mo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.