Bea nagsimula sa pa-extra-extra: Wala akong lines tapos nakikisabay lang sa ako sa service kasi walang kaming car
TULAD ng ibang sikat na sikat na celebrities ngayon, nagsimula rin ang Kapuso star na si Bea Alonzo sa pa-extra-extra sa mga pelikula at teleserye.
Naikuwento ng award-winning actress sa publiko ang mga naging kaganapan sa kanyang showbiz career noong nagsisimula pa lamang siya.
Hindi rin daw naging madali para sa kanya ang makapasok sa showbiz at nagsimula nga siya mula sa baba hanggang sa unti-unti nang makilala bilang aktres.
“It was a rough start for me. Nag-umpisa ako extra-extra lang ako, walang lines.
“Nakikisabay lang nga ako sa service sa taping kasi we didn’t have a car, so kahit na isang eksena lang ako kasi extra lang ako ganiyan hihintayin namin matapos buong taping kasi ‘yong taping sa Antipolo or sa Tanay because we didn’t have a car,” lahad ng dalaga sa podcast ni Nelson Canlas.
Patuloy pa niyang pagbabalik-tanaw, “Tapos hindi namin alam kung saan kami kukuha ng taxi at that time wala namang mga services na…oo, di ba, car services na puwede mong tawagan via app right?
“So, noon wala, so we had to wait. Kung tapos na ako at 4 p.m. pack up na dapat ako maghihintay kami hanggang 5, 6 a.m. para makisabay sa service,” aniya pa.
View this post on Instagram
Naibahagi rin ni Bea ang mga challenges na naranasan niya noong nagsisimula pa lamang siya, lalo na pagdating sa mga gagamitin niyang wardrobe kapag may taping o shooting siya.
“Noong time namin wala kaming cut-off, nu’ng time namin wala kaming stylist, so we had to do everything for ourselves, like pag sinabi na 50 sets of pambahay, ganyan gagamitin as in maghahalughog ka kasi pag normal na tao ka wala ka namang 50 sets na pambahay.
“Parang, I remember, halimbawa sasabihin nila 25 sets of panglakad. Tinitingnan ko ‘yung closet ko, parang tatlong maong na pantalon lang meron ako. Saan ako kukuha ng 25?’” pag-alala pa ng aktres.
Samantala, super excited na ang mga fans ni Bea sa kauna-unahan niyang drama series sa GMA 7, ang “Start-Up Ph” kung saan makakasama niya sina Alden Richards, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi at Kim Domingo.
https://bandera.inquirer.net/310015/bea-nagsimula-nang-mag-taping-para-sa-start-up-promise-sa-fans-may-bongga-siyang-filipino-twist
https://bandera.inquirer.net/313929/hugot-ni-madam-inutz-wala-akong-mai-share-na-magandang-memories-about-sa-pagkabata-ko
https://bandera.inquirer.net/314527/seth-fedelin-sa-fans-ng-gold-squad-iwas-lang-sa-salitang-binibitawan-minsan-hindi-na-tama-at-sumusobra-na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.