Bagong Aliwan Fiesta Digital Queen hinahanap
MAKARAAN ang dalawang matagumpay na edisyon ng Aliwan Fiesta Digital Queen pageant, muli na namang naghahanap ng mga kandidata para sa ikatlong pagtatanghal ng virtual competition.
Sa ikatlong pagkakataon, muling isinasantabi ng Manila Broadcasting Co. (MBC) ang bonggang Aliwan Fiesta, at sa halip ay naglunsad na naman ng Aliwan Fiesta Digital Queen, ang patimpalak na naging bunga ng mga limitasyong dulot ng COVID-19 pandemic.
“The regular Aliwan Fiesta cannot go live yet, and it is with the live mammoth festival that Reyna ng Aliwan is staged. Hence the decision to mount the third search for a ‘Digital Queen,’” sinabi ni MBC PR consultant Susan Isorena-Arcega sa Inquirer sa isang panayam.
“We are being very careful in light of the new resurgence of COVID-19 cases. And being a major media entity, it behooves us to always carry our mantle of responsibility,” pagpapatuloy pa niya.
Si Jannarie Zarzoso ng Cabadbadaran, Agusan del Norte, ang hinirang bilang unang Aliwan Fiesta Digital Queen, at sinundan siya ni Shanyl Kayle Hofer ng Minglanilla, Cebu.
“We have discovered fresh new faces with very strong advocacies for social responsibility. It is not just lip service on their part, but actual involvement with their communities and charitable organizations they support,” patungkol ni Arcega kina Zarzoso, Hofer, at mga dilag na sumampa sa virtual stage ng Aliwan Fiesta Digital Queen contest.
Kung noong dalawang unang edisyon pawang mga nominado ng mga regional station ng MBC ang mga lumahok, ngayong taon tatanggap na ang Aliwan Fiesta Digital Queen ng mga aplikante. “We also adjusted our criteria for a bigger impetus on social responsibility via real community advocacies the girls are actually involved with,” ibinahagi ni Arcega.
Bukas ang patimpalak sa mga Filipino citizen na assigned female at birth, mula 16 hanggang 28 taong gulang, at may pleasing personality. Dapat din silang maging “digital-savvy,” at “can represent the new generation of Filipinos who will play important roles in our country’s future.”
Maaaring i-download ang application form mula sa aliwanfiesta.com o sa opisyal na Facebook page ng patimpalak. Ipadala ang application form sa pamamagitan ng e-mail sa carrier MBC station sa rehiyong kung saan naninirahan ang aplikante, kasama ang isang barangay certification at tatlong-minutong introduction video na nagpapakita sa aplikante sa casual at formal wear, at may patikim sa talento o natatanging kakayahan ng aplikante.
Sa Agosto 17 na ang deadline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.