SB19 binigyan ng tunog P-Pop ang ‘Bb. Pilipinas’ theme song | Bandera

SB19 binigyan ng tunog P-Pop ang ‘Bb. Pilipinas’ theme song

Armin P. Adina - July 06, 2022 - 03:23 PM

Binibining Pilipinas

Ipinakilala ang 40 kandidata ng 2022 Bb. Pilipinas pageant sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City./ARMIN P. ADINA

PARA sa maraming tagasubaybay ng beauty pageants, nakakabit na sa Binibining Pilipinas ang mga katagang “lovely, pretty, captivating” at tanong na “where did you get those lovely eyes?” na mga liriko sa iconic na theme song ng pangunahing pageant sa bansa.

Ngayong 2022, magkakaroon ng panibagong panlasa ang awiting ito sa tulong ng sikat na male P-Pop group na SB19 na binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Ken at Justin.

Ipinarinig ang bahagi ng bersyon ng SB19 sa Bb. Pilipinas theme song sa press presentation ng 40 kandidata na idinaos sa Novotel Manila Araneta City sa Quezon City nitong Hulyo 5.

Muling maririnig ang bagong bersyon ng awitin sa grand coronation night sa pagtatapos ng buwang ito, ayon sa mga host na sina Bb. Pilipinas International Hannah Arnold, Bb. Pilipinas Grand International Samantha Panlilio, at Miss Intercontinental Cinderella Faye Obeñita.

Binibining Pilipinas

Nagpamalas ng husay ang 4th Impact sa Bb. Pilipinas press presentation./ARMIN P. ADINA

Maliban sa theme song, may iba pang elementong P-Pop sa edisyon ng patimpalak ngayong taon. Nagtanghal sa press presentation ang tanyag na female quarter na 4th Impact, habang napanood naman sa talent competition sa New Frontier Theater noong Hunyo 23 and grupong 1stOne at pangkat na Dione.

Sumailalim din ang mga kandidata sa isang P-Pop dance workshop sa Addlib dance studio, kung saan din sila tinuruan ng stage confidence.

Itatanghal ang 2022 Bb. Pilipinas grand coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City sa Quezon City sa Hulyo 31, at sabay na mapapanood sa Kapamilya Channel, Metro Channel, TV5 at A2Z.

Mapapanood din ito sa ibang mga bansa sa pamamagitan ng iWantTFC app at sa opisyal ng YouTube channel ng Bb. Pilipinas.

Bago nito, itatanghal naman ang national costume show sa New Frontier Theater sa Hulyo 16, habang sa Hulyo 23 naman idaraos ang grand parade of beauties sa loob ng Araneta City.

#PakGanern: Bb. Pilipinas 2022 candidates kabugan ang laban sa pasabog na swimsuit photos

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending