Pera ni Carla Abellana nadamay sa mga na-scam kay Tom Rodriguez

Pera ni Carla Abellana nadamay sa mga na-scam kay Tom Rodriguez

MAY bagong update si Ogie Diaz sa naging dahilan ng hiwalayan ng Kapuso stars na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Sa YouTube vlog nitong “Showbiz Update” kung saan kasama niya sina Mama Loi at Mrena ay muli na naman nilang napag-usapan ang kakahiwalay lang na showbiz couple.

Chika ni Ogie, kasama umano ang pera ng Kapuso actress sa na-scam kay Tom noon na P24 million.

“Ang sabi, parang nawalan na ng pera si Tom kasi nga, dun sa perang na naipatalo o naging biktima ng scam si Tom, or nailagay sa negosyo na di kumita at na-zero pa na mahigit P24M, ang sabi ha, jusko… Andun din pala ang pera ni Carla, may pera rin daw dun si Carla,” saad ng talent manager.

Ayon rin sa text message na ipinadala ng source ni Ogie isa ito sa naging dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawa.

“May pera din si Carla dun sa na-scan jay Tom. Kaya nga alam din ni Carla yung pera na yun kasi pareho nilang perang mag-asawa yun na-scam kay Tom,” saad ng source.

Dagdag pa nito, “In other words, hiniwalayan ni Carla si Tom kasi naubos ang pera ni Tom, damay pa yung pera ni Carla Abellana.”

Sey ni Mama Loi, matutuldukan lang naman daw ang chika ukol sa kanilang paghihiwalay kung may isang magsasalita kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“Baka hindi din [sila] magsalita. Siguro ikokorte na lamang nila yan,” saad ni Ogie.

Matatandaang noong nakaraang buwan nang ianunsyo ni Tom na tuluyan na silang naghiwalay ng asawang si Carla walong buwan matapos ang kanilang pagpapakasal.

Related Chika:
Tom Rodriguez ginigipit nga ba ng kampo ni Carla Abellana?

Instagram account ni Tom Rodriguez ‘di na mahagilap, nag-deactivate nga ba?

Kilalang aktres biglang hiniwalayan ang dyowa para sagutin ang manliligaw na male celeb

Read more...