DINIPENSAHAN ng kolumnistang si Cristy Fermin ang isa sa mga kontrobersyal na aktres ngayon na si Ella Cruz.
Matatandaang simula nitong weekend ay nag-trending na agad ang aktres matapos nitont ikumpara ang history sa tsismis nang tanungin siya sa mga natutunan niya nang gawin ang “Maid in Malacañang”.
Kaya naman isa si Ella sa mga naging topic nila ng kasamahang si Romel Chika sa kanilang digital show na “Cristy Ferminute”.
Aniya, wala naman daw mali sa sinabi ni Ella at kung turuusin ay maganda nga raw ang sinabi nito.
“Alam mo, Romel, wala akong nakikitang masama dito. Ginagamit ko nga ‘yan e pagka New Year’s resolution. ‘Ano ang New Year’s resolution mo?’ ‘Ay naku, it’s like history, it repeats itself,” saad ni Cristy.
Dagdag pa niya, “Ang ganda naman ng pagkasabi ni Ella, ‘di ba? Minsan may tinatanggal, minsan may idinadagdag at depende po sa pananaw ng nagbibigay ng interpretasyon kung may bias o wala.
Sumang-ayon naman kay Cristy ang co-host nitong si Romel Chika.
“Opo, Nay. At saka ang tao naman ang nagbigay ng meaning. Hindi nila naunawaan ‘yung post na ‘history is like tsismis.’ Hindi naman ‘history is tsismis,’ iba naman ‘yon,” sey ni Romel.
Hirit pa ni Cristy, isa nga daw itong maagang promotion para sa pelikula gayong hindi pa ito ipinapalabas.
Nakatakda namang ipalabas ngayong buwan ang “Maid in Malacañang” kung saan gaganap si Ella bilang si Irene Marcos.
Kasama niya rito sina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano, Diego Loyzaga, at Christine Reyes na gaganap bilang pamilya Marcos pati na rin sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada, at Beverly Salviejo na gaganap namang mga maids ng pamilya.
Related Chika:
Cristy Fermin pinuri si Erich, never nagyabang kahit may dyowang bilyonaryo
Ella Cruz pinagtawanan dahil sa sinabing ‘history is like tsismis’, pinangaralan ni Agot Isidro