Toni Gonzaga nag-warning sa netizens laban sa poser na humihingi ng ‘digital gift’

Toni Gonzaga nag-warning sa netizens laban sa poser na humihingi ng 'digital gift'

NAGBABALA ang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga ukol sa kumakalat na Facebook account na nagpapanggap bilang siya.

Ibinandera niya sa kanyang Instagram story ang natatanging social media page na pagmamay-ari niya sa Facebook.

“Our official page,” saad ng singer-actress kalakip ng screnshot ng FB page na Toni Gonzaga Studio.

Sa kasunod na IG story ay makikita naman ang screenshot ng isang Facebook account na may pangalang Celestine Gonzaga-Soriano na nag-reupload ng kanyang YouTube vlog kung saan nakapanayam niya si Deedee Villegas.

“This is not our official account,” paglilinaw ni Toni.

Dagdag pa niya, “If you could kindly report also [the fake Facebook account]. Maraming salamat.”

Bukod pa rito, ibinahagi rin niya ang screenshot kalakip ang comment ng nagpapanggap bilang siya sa Facebook at humihingi ng “digital gift” sa naturang live broadcast ng video.

Saad ng pekeng account, “During this broadcast you can support my page by sending stars, a digital giftthat helps me earn money.

Paglilinaw ni Toni, “We don’t ask for money. This is a fake account. If you could also report. Thank you so much.”

Sa ngayon ay active pa rin ang naturang pekeng Facebook account ni Toni na may 156,000 likes.

Ang naturang video naman ng panayam niya kay Deedee na nire-upload ng nagpapanggap na netizens ay umabot na mahigit 9,600 likes, 551 comments, 1200 shares at nakatanggap na rin ng 350 stars.

Related Chika:
Pekeng nude photo ni Alden pinagpiyestahan; Sparkle talent center binantaan ang nagpakalat ng litrato

‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class

KC Concepcion pinalitan si Toni Gonzaga bilang lead star sa US movie na ‘Asian Persuasion’

Kristine inireklamo ang FB account na nakapangalan sa kanya: Hindi nakakatuwa…nakakabastos na!

Toni Gonzaga welcome pa rin sa ABS-CBN kahit nag-resign na dahil sa pagsuporta kay Bongbong Marcos

Read more...