USAP-USAPAN ngayon ang social media influencer na si Madam Kilay o Jinky Cubillan-Anderson matapos siyang alukin ni Darryl Yap bilang maging bahagi ng “Maid in Malacañang”.
Ang paanyaya ay ipinadaan ng direktor ang kanyang Facebook post.
“Madam Kilay pwede ka ba mag-Cory Aquino sa ‘Maid in Malacañang’?” saad nito.
Kung sakaling tatanggapin niya ang offer ay makakasama niya sina Ruffa Gutierrez, Cesar Montano, Diego Loyzaga, Christine Reyes, at Ella Cruz na gaganap bilang pamilya Marcos pati na rin sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada, at Beverly Salviejo na gaganap namang mga maids ng pamilya.
Na-flatter naman si Madam Kilay sa naging offer ni Darryl na maging bahagi ng pelikula.
“Darryl Yap Isang malaking karangalan na isa ako sa naisip n’yo po na isama sa cast ng #maidinmalacañang,” saad niya.
Dagdag pa niya, ““Wait lang imaginin mo habang nagmamajhong tumatalak ng CHISMIS!!”
Kung babalikan natin ang kasaysayan, si dating Pangulong Cory Aquino ang hinirang na presidente ng bansa matapos na magtagumpay ang taumbayan na paalisin sa puwesto ang dating Pangulong Ferdinand Marcos noong EDSA People Power Revolution na naganap noong Pebrero 1986.
Patungkol rin dito ang pelikulang “Maid in Malañang” ngunit ito raw ay magiging base sa nangyayari sa loob ng Palasyo tatlong araw bago ang EDSA People Power Revolution ayon sa kuwento ng “reliable source”.
Samantala, hindi pa naman sigurado kung talaga bang magiging parte ng pelikula si Madam Kilay o nagbibiruan lang sila ng direktor sa social media.
Wala rin namang kumpirmasyon ang produksyon ng Viva Films hinggil sa posibilidad ng pagkakasama ng social media influencer sa pelikula.
Bukod rito, hindi rin sigurado kung kasalukuyang nasa Pilipinas nga ba si Madam Kilay para i-shoot ang pelikula.
Related Chika:
Diego Loyzaga, Cesar Montano bibida rin sa ‘Maid in Malacañang’
Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa ‘Maid in Malacañang’?
Cristine Reyes, Ella Cruz bibida rin sa pelikulang ‘Maid in Malacañang’