#PakGanern: Bb. Pilipinas 2022 candidates kabugan ang laban sa pasabog na swimsuit photos

Herlene Nicole Budol, Krizzia Lynn Moreno at Graciella Sheine Lehmann

KANYA-KANYANG awra ang mga official candidates ng Binibining Pilipinas 2022 sa kanilang official swimsuit photos.

Pinusuan at ni-like ng kani-kanilang fans and supporters ang mga ipinost na swimsuit photos sa official Instagram account ng nasabing national pageant.

In fairness, talagang kabugan ang laban ng mga kandidata sa pagpapakita nila ng kaseksihan ilang linggo bago maganap ang pinakaaabangang grand coronation night ng taunang pageant.

Base sa caption na nakasulat sa IG photos ng official candidates, ang kanilang printed swimwear ay gawa sa Pilipinas mula kay Dia Ali habang ang suot nilang mga accessories ay galing kay Arnel Papa.

Ang kumuha naman ng mga pasabog na photos ay ang professional photographer na si Raymond Saldaña, kasama ang creative director na si Owen Reyes.

Ang makulay at nagseseksihang litrato ng mga opisyal na kandidata sa pageant ay matatagpuan din sa isang exhibit sa Araneta City sa Quezon City.


Nitong mga nagdaang linggo, sumabak sa ilang pre-pageant activities ang mga Pinay beauties kabilang na ang pagrampa nila last May sa isang Grand Santacruzan.

Dito nakasama nila ang mga current and previous titleholders kabilang na si Miss International 2005 Lara Quigaman.

Noong Mayo rin inilabas ang official glam shots ng mga kandidata na umani rin ng papuri mula sa mga netizens.

Noon namang June 23, ipinakita ng official candidates ang ipinagmamalaki nilang kakayahan sa talent competition. Sa darating namang July 16, rarampa muli sila sa gaganaping national costume fashion show.

Gaganapin ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 sa July 31 sa Araneta Coliseum at apat na titulo ang paglalabanan ngayong taon Binibining Pilipinas International, Binibining Pilipinas Intercontinental, Binibining Pilipinas Globe at Binibining Pilipinas Grand International.

Mapapanood nang live ang nasabing pageant sa TV5, A2Z, The Kapamilya Channel at Metro Channel.

https://bandera.inquirer.net/308549/michelle-dee-pinainit-ang-socmed-sa-pasabog-na-sexy-photo-para-sa-2022-miss-universe-ph-swimsuit-challenge

https://bandera.inquirer.net/309607/aj-raval-aljur-abrenica-hindi-pa-official-pero-papunta-na-kami-doon

https://bandera.inquirer.net/286506/awra-matagal-nanahimik-sa-socmed-nasa-point-pa-rin-ako-ngayon-na-naghi-heal

Read more...